Samantha's POV
Maaga akong nagising di kasi ako nakatulog nang maayos plus ang init init pa kaya no choice kundi bumangon ako kahit ang aga-aga pa
Tinignan ko ang kabuuan ng kuwarto ko at nakita ko nanaman ang box na punong puno nang napkin
Nahihiya ako, pero kinapalan ko na ang pagmumukha ko nung oras na yun no!
Napaayos ako ng upo nang biglang may kumatok at pumasok si kuya na agad akong binato nang unan
Ano nanaman problema nito?
"Oy, sammy!" Malakas na sigaw niya agad ko namang tinakpan ito dahil natutulog pa si mommy at kaizoorin kahit kelan napaka ingay ng bibig neto
"Ano ba yun?" Naiinis na sabi ko kay kuya pero ginulo niya lang ang buhok niya sabay tingin saakin
"Alam mo? Lagi akong may nakakasalubong na babae. At kung sino yung nakita ko nung isang araw yun nanaman makakasalubong ko sa panibagong araw," irita niyang sabi saakin bago bumagsak sa magulo kong kama."Ano meron dun?" Tanong ko at tumabi sakaniya saka niyakap ang unan na ibinato niya saakin
" Alam mo bang napaka sadista nang babaeng yun naalala ko inano niya yung hinaharap ko at walang alinlangan na umalis. Bad trip tapos Kahapon sinikmurahan ba naman ako sa tiyan! Bad trip yun ah!" Sigaw niya at sinipa ang cabinet ko"Oy! Wag mo namang sipain yung cabinet, grabe talaga 'to," sabi ko sakniya pero napaharap lang siya saakin nang sobrang namumula ang mukha..
Galit na galit?
" Anong puwedeng ganti pag ganun?" Tanong niya saakin napaturo naman ako sa sarili ko saka tinaasan siya nang kilay " wala akong alam diyan," tipid kong sagot sakaniya at iginalaw ang balikat
"Psh. Sinungaling kahit lagi ka'yong nag-gagantihan ni alexis." Aniya kaya napairap ako at sinagot siya aasarin nanaman ako neto pag di ko sinagot
" Bading kaba? Bakit kelangan mong pumatol sa babae?" Ani ko peri di niya ako sinasagot at mukhangmalalim ang iniisip niya
" ang lalaking pumapatol sa babae, napapagkamalang bading." Sabi ko sakniya kaya tinignan niya ako ng masama"Bahala ka na nga. Wala naman akong makuhang matino sa'yo," aniya at pabagsak na tumayo saka isinarado ang pinto..
Mas mukhang red days niya pa ngayon kaysa sa akin eh
Napabuntong hininga nalang ako nang lumabas na si kuya at bumaba sa salas para kumain nang almusalLumabas ako at bumili ng gatas at tinapay, oo gatas ang iniinom ko ayoko kasi nang kape di ko gusto ang lasa.
Sumalubong saakin ang malamig na hangin at sinag ng araw kaya napanguso ako."Pabili po!" Sigaw ko dun sa tindahan agad na may lumabas na isang lalaki dun na naka headset at poker face?
"Oh?" Irita niyang sabi saakin kaya napaamang ang bibig ko
"Tinapay ung spanish bread at gatas na bear brand po," sagot ko sakaniya tinaasan naman niya ako ng kilay kaya tinaasan ko lang din siya"Pwede ba? Tigilan mo nga ang pag-sabi mo saakin nang po, masyado kang nag mumukhang bata," aniya kaya napanganga ako aba!
"Alam mo kuya, Pwede namang sabihin mo nalang saakin kung ayaw mong magbenta. Di kita pipilitin mukha kasing badtrip ka ka'ya sige na pahinga ka muna nakakahiya naman sa'yo," Pahina ng pahina na sabi ko sakaniya pero mukhang narinig niya kaya padabog na inilapag niya ang gatas na alaska powder at tinapay na pandecoco!?
"Alaska? Pandecoco? Pero ang sabi ko bear brand at spani--"
"Alam mo wag ka nang maarte, wala na kaming spanish bread at bear brand," pinutol na sabi saka nag cross arms eh?
YOU ARE READING
Playboy's Love [On-Going BOOK 1]
Teen Fiction"Don't give yourself a reason to give up beacuse in the end you are the one who will sacrifice and hurt so much."