PL 54: The War

71 0 0
                                    

~Alexis~

"Baby, how can i say i love you if you like someone else?"

Sabi ko at tumingin sakaniya, nanahimik naman siya at ramdam kong mukha siyang ninenerbyus dahil napapalunok din siya

Awkward..

"A-ahmm.. Baby! How can i say i love you if you like someone else? If you like my j-japanese pits dog 'sam'. "

Pagbabasag katahimikan ko napatingin naman siya saakin at kinunotan ako ng noo.. Ang bilis mag bago ng mood netong babaeng 'to
Pero isa yun sa dahilan kung bakit ko siya nagustuhan

At hindi na ako magd-duda pa,

"Sam? Sam ang pinangalan mo sa aso mo?"

Kunot na kunot ang noo niyang sabi saakin natawa naman ako saka tumango.. Ano naman kung sam diba?

"Oo, may problema ba?"

"B-bakit naman sam?!"

Medyo irita niyang sabi ah.. Alam kona kung bakit galit siya, babae nga naman

"Para sa tuwing nakikita ko yung aso ko, naalala kita dahil sam ang pangalan neto."

Simpleng sagot ko, para pag stress ako naiisip ko na parang nasa tabi ko narin si nerdy diba? Galing mo talaga alexis! Kaya ka pasok sa top 30 eh!

" Sinasabi mo bang kamukha ko yung aso mo!?"

Ayan galit na siya namumula na kasi yung tenga niya tapos yung kilay niya sobrang taas na at nakayukom ang kamao, nakakatawa talaga siya tuwing mapipikon

"Uh-huh?"

"Mukha ba akong aso?!"

Gigil na sigaw niya saakin kaya napahalakhak ako at napahawak sa baba saka kunwaring nag-isip

"Hindi naman, Mas mukha kang dragon."

Sagot ko sakaniya at sandalian namang nawala yung pagkakunot niya pero tinarayan niya ako at nag cross arms

"Bakit naman dragon?"

"Kasi pag natutulog ka mukhang maamo, pero pag nagiging kala mo laging may PMS."

Tawang-tawa na sabi ko at saka mabilis na tumakbo papalabas ng bahay

"Alexiiisss!!"

Dinig kong sigaw niya sa loob kaya napatawa pa ako lalo ng makita kong lumabas din siya at hinabol ako

"Dragon pala ah! Bubugahan kita! Hahabulin kita! Humanda kana!"

Sigaw niya! Sabay habol saakin at nag aacting na dragon.. Grabe nakakatawa siya, maya-maya dinig kong tumatawa na rin siya habang hinahabol ako

"Ahh! Ang bilis mo namang tumakbo!"

Pagmamaktol niya kaya medyo bumagal ako, kaya unti-unti rin siyang napangisi

"Ayan! Binagalan kona! Habol naa~"

Pakanta kong sabi sakaniya at mabilis naman siyang tumakbo papunta sa gawi ko kaso natisod siya sa bato

Kaya mabilis akong tumakbo sakaniya sabay salo dito

Napahawak siya ngmahigpit sa braso ko at sabay tingin

"M-muntikan kana dun."

Nag-aalalang sabi ko napalunok naman siya at parang nagkakapa ng sagot.. Seryoso kinabahan ako kung di ko siya nasalo sa may iba ang bagsak niya

"B-bakit mo a-ako sinalo?"

" Kasi ayaw kong mahulog ka sa iba, kaya sinalo kita."

1..

Playboy's Love  [On-Going BOOK 1]Where stories live. Discover now