Chapter 7 : { Silenced }

99.2K 4.4K 2.1K
                                    

7.

Silenced

Third Person's Point of View

"Nico can we talk?" Punong-puno ng pagsisisi ang boses ni Paige ngunit di siya nililingon ng kasintahang naglalagay ng gamit sa kanyang locker. Napahawak na lamang siya sa polong suot nito habang nakayuko.

"Nico kagabi pa kita tinatawagan di ka man lang sumasagot. Tapos kanina naman sa classes di mo ako pinapansin. Nico galit ka ba?" 

Malakas na isinara ni Nico ang locker at lumingon sa kasintahan. "Hindi ako galit. Dismayado  ako sayo" Napatingin sa paligid si Nico upang siguraduhing walang ibang makakarinig sa kanila.

"Dahil ba sinabi ko kay Kendra na patay na ang papa niya? Nico it was for her own good! Kailangan niyang malaman ang totoong nangyari sa papa niya. No matter fucked up truth is, its still better than lie" Giit ni Paige.

Napabuntong hininga na lamang si Nico at napasandal sa locker nito.

"Hindi mo naiintindihan. Mahirap ipaliwanag pero mas mabuti nang wag malaman ni Kendra ang katotohanan. Para na 'yun sa ikabubuti ng lahat."

Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ni Paige sa narinig. "N-nico ibig bang sabihin nito hanggang ngayon si Kendra parin ang laman ng puso mo?" 

"Anong klaseng tanong yan," Hinawakan ni Nico ang kamay niya at hinalikan "Minahal ko siya pero mas mahal kita. Tapos na ang lahat sa amin ni Kendra pero kahit ganun kaibigan ko parin siya. But dont think for a second that I love you less"

Napangiti si Paige habang pinupunasan ang luha niya. "Sorry Nico. Natakot lang kasi talaga ako. Nakakapagod narin kasi talagang mabansagan ng kung ano-ano. Pa-salamat ka mahal kita" Sambit nito at mahinang hinampas ito sa dibdib.

"Wag na wag mo silang papakinggan. Puso mo lang pakikinggan mo okay? Mahal mo ako at mahal kita. Kahit anong mangyari hindi magbabago yon" Paninigurado ni Nico sa kasintahan yabang yakap nito.

"I love you Nics. Always" Sambit nito at nagsimulang maglakad palayo.

"Saan ka pupunta?"

"Magso-sorry lang ako kay Kendra. I was such a bitch to her yesterday, I hate bitches. I am never gonna be one" Nakangiting sambit ni Paige habang kumakaway paalis.

"Thats my girl" Proud na sambit ni Nico.

Hinahanap ni Paige ang classroom ni Kendra nang bigla na lamang may lumapit sa kanyang isang kaklase.

"Paige pinapapunta ka daw ng Guidance Councelor sa office niya" Nakunot ang noo ni Paige sa narinig. Nag-alala siyang baka may nagawa siyang mali o di kaya may nagsumbong tungkol sa nangyari kahapon sa coffee shop.

Kinakabahan man ay pumunta parin ito ngunit taliwas sa inaasahan niya ang kanyang nadatnan sa Guidance Office. Walang katao-tao. Bukas ang aircon at ang mga ilaw ngunit wala ang Guidance Councelor na parating nasa mesa niya.

"Ma'am pinapatawag niyo daw po ako?" Nilakasan ni Paige ang boses niya. Nagbabakasakaling baka nasa banyo lamang ito at di siya naririnig. Naglibot na lamang siya sa buong opisina at dumungaw sa bintana upang pampalipas oras habang hinihintay ito.

The Midnight MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon