3.
Trust no one
Mas gusto kong mapag-isa muna kaya't pinauwi ko na lamang sina Tate. Hearing the news about my brother being dead is bad enough, but knowing he died by suicide is much-much worse.
Paano niya nagawang mang-iwan ng ganito? Oo alam kong may pagka-gago ang kapatid ko pero ni minsan hindi ko inakalang mahina siya. Matapang ang kapatid ko magmula noon kaya bakit siya sumuko? Kung sana nagising lang ako ng mas maaga siguro buhay pa ngayon ang kapatid ko. Siguro hanggang ngayon hindi ako nag-iisa kasi nasa tabi ko lang siya.
Pumasok ako sa ngayoy napaka-tahimik niyang kwarto. Wala na ang nakakabinging rock music at kaliwa't-kanang basura. Multo ng alaala na lamang ang natitirang pumupunit sa puso ko. Umupo ako sa kama niya at pinagmasdan ang family picture namin na nasa bedside table niya.
Pamilya? May pamilya pa ako?
"Duwag ka kuya. I hate you." Napahiga na lamang ako't hinayaang pakawalan ang luha ko. Natatakot ako. Ayokong mag-isa. Daddy umuwi ka na please. Hindi ko kayang mabuhay nang wala kayo.
Kinuha ko na lamang ang picture frame at niyakap ito. Saglit kong pinagmasdan ang mukha naming tatlo. Larawan ito ng isang napakasayang pamilya. Ibababa ko na sana ito nang bigla kong maaninag ang nakasulat sa likuran ng picture frame.
Kendra buksan mo to. Nakasulat ito sa pamamagitan ng isang makapal na marker. Medyo nakukupas na ngunit naiintindihan ko parin ang nakasulat.
Binuksan ko ang picture frame at nagulat ako nang makita kong may papel sa likuran ng litrato. Pagkakita ko pa lang nito, alam ko nang sulat-kamay to ni Kuya.
Kendra,
Kung nababasa mo to ngayon napakasaya ko kasi malamang gising ka na. Kanina nanggaling ako sa ospital at sinabi nilang lumalaki na ang posibilidad na magigising ka pero natatakot akong baka wala na ako sa paggising mo.
Kung sa paggising mo'y wala na talaga kaming dalawa ni Daddy, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin at kahit na anong mangyari, pamilya tayo. Wag na wag kang maniniwala sa kahit na anong sasabihin ng iba. Wag na wag kang magtitiwala kahit pa sa mga matatalik mong kaibigan. Kendra mag-iingat ka sa mga taong nakapaligid 'sayo, wala kang mapagkakatiwalaan kundi sarili mo lamang. Kailangan mong maging matatag, wag na wag kang iiyak. Umalis ka na sa lugar 'nato at magpakalayo-layo. Hanapin mo si Hadley, matutulungan ka niya.
Labis akong naguluhan at nabigla sa nabasa. Anong ibig sabihin ng sinasabi ni Kuya? Ano ba talagang nangyari habang comatosed ako?
Nagpakamatay ba talaga ang kuya ko?
Nasaan ang daddy ko?
- - - - - -
Nagising akong yakap-yakap ang family picture namin. Nakakasilaw ang liwanag mula sa bintana kaya't isinangga ko na lamang ang kamay ko. Napakabigat ng mga mata ko dahil sa labis na pag-iyak kagabi.
Bumaba ako sa sala at pinaandar ang TV para mawaksi ang nakakalungkot na katahimikan ng buong bahay. Wala akong pakialam kahit pa naka-maximum volume ang TV.
"Kararating lamang ng balita, isang residente ng Redwood City ang natagpuang patay sa sarili niyang bahay. Tadtad ito ng saksak at tinanggal pa ang talukap ng kanyang mga mata. Base sa mga pulis, maaring pinatay siya kaninang hatinggabi, kaya ang tanong ng marami--------" Nakakadepress lang ang balita nato lalong-lalo na't dito lang sa lungsod nato ng nangyari ang krimen kaya inilipat ko na lamang sa ibang estasyon.
Maya-maya pa ay narinig kong tumunog ang doorbell. Dumating si Tate kasama ang uncle niya at ang isang katulong.
"Good morning po Mayor" Gusto kong ngumiti ngunit di ko magawa.
"Magandang umaga din 'sayo hija. Nakatulog ka ba ng maayos?" Bigla silang pumasok sa bahay na may dala-dalang mga grocery bag. I feel so pathetic. I mean nakakatuwa na tumutulong sila pero medyo nakakahiya sa pride.
Napailing ako. Sa sitwasyon kong to, imposible atang maging okay ako.
"Dont worry, everything happens for a reason kendra. Balang-araw malalaman mo rin ang dahilan ng lahat." Tate assured me while putting stocks in my fridge.
Everything happens for a reason? Who in this damn world came up with that bullshit?
"Nga pala Kendra, pwede kang dumiretso sa pagiging senior highschool student sa darating na pasukan kapag naipasa mo ang exam na ibibigay sayo ng skwelahan. I already hired a tutor for you" Nabigla ako sa sinabi ni Mayor. Bakit parang napaka-bait niya sa akin eh ito lang naman ang unang beses na nagkausap kami ng personal.
"Omg! Kendra! Ipasa mo test okay? Yeyy! May bff na ako ulit sa school!" Tuwang-tuwa si Tate na inaalog pa ang braso ko. Ngayon ko lang nalaman
"Tate dahan-dahan lang kay Kendra, baka mabinat yan" Pabirong sambit ni Mayor kayat bumitaw na lamang sakin si Tate.
"Okay lang ba sayo Kendra na magpunta ulit sa skwelahan simula sa lunes?" Tanong sakin ni Mayor kaya napailing ako.
"Maraming salamat po talaga sa concern at offer pero kailangan ko pong umalis sa lugar 'nato para nadin makalimot" Bilin ni Kuya na umalis ako kayat ito ang gagawin ko.
Nagulat si Tate sa sinabi ko ngunit si Mayor ay tumawa lamang bagay na ikinagulat ko.
"Kabataan nga naman ngayon kung ano-ano na lang ang naiisip. Kendra hindi ka pwedeng umalis, baka biglang dumating ang mga magulang mo. Ipinagbilin ka pa naman nila sa akin"
"Oo nga naman Kends. Wag kang umalis, andito naman ako parati eh" Pamimilit ni Tate na naka-pout pa kayat wala akong magawa kundi ngumiti na lamang ng pilit. "At isa pa di ka naman pwedeng umalis sa lugar nato" Ewan ko ba pero bigla akong kinilabutan sa sinabi ni Tate.
Marami parin akong hindi naiintindihan lalong-lalo na sa sulat na natanggap ko.
Nasaan ba talaga ang daddy?
Ano ang ibig sabihin ni Kuya sa sulat niya?
Sige hindi muna ako aalis, hangga't sa hindi ko pa alam kung ano talaga ang nangyari sa kuya at daddy ko.
END OF CHAPTER THREE
Thanks for reading!
Vote and Comment ♥
BINABASA MO ANG
The Midnight Murders
Mystery / ThrillerWaking up from coma, Kendra finds out that not everything in Redwood is what it seems nor is her picture-perfect life.