Chapter 16 : { Reversed }

87.6K 3.8K 1.2K
                                    

16.

Reversed

Kendra’s Point of View

 

 

“Hey kung may kailangan ka, sabihin mo lang okay? My room is just across the hall.” Muli kong paalala kay Ziggy matapos kong maihanda ang kwarto ni Daddy na pansamantala niyang tutulugan. He has nowhere else to go and I can’t let him stay in the house where his parents were brutally murdered.

Parang walang kabuhay-buhay si Ziggy nang umupo siya sa paanan ng kama ni Daddy. Tahimik lamang siyang umiiyak habang nakatingin sa kawalan.

Kung tutuusin, alam ko kung anong klaseng hirap ang nararanasan niya ngayon—We’re going through the same shitty stuff…

“Kendra… Kendra Salamat.” Nauutal niyang sambit.

Napakagat na lamang ako sa labi ko upang mapigilan ang sarili kong umiyak.

“You can always count on me Ziggy.” Muli kong paalala sa kanya. Parang kapatid narin ang turing ko kay Ziggy magmula pa noon kaya nakahanda akong tumulong sa kanya sa kahit na anong paraang kaya ko.

It’s almost 3am kaya naman lumabas na ako sa kwarto upang hayaan siyang mapag-isa at para narin makapagpahinga. He’s been through hell.

*****

Bumaba ako at naabutan ko si Webb na nakahiga sa sofa habang nakatitig sa kisame na para bang napakalalim ng iniisip. Magang-maga parin ang mukha niya at bakas parin ang mga sugat dito, pati nga ang damit niya ay marami ding bahid ng natuyong dugo. Dala-dala ang first aid kit at mga bimpo ay nilapitan ko siya.

“Are you sure ayaw mong dalhin kita sa hospital? Baka may tinamo kang bali?” Para akong sirang plakang paulit-ulit, hindi ko na nga alam kung ilang beses ko na itong tinatanong.

“I’m okay Kendra, galos lang ‘to.” Giit niya at nagawa pang ngitian ako. Kahit nakangiti man siya, halata sa mukha niyang namimilipit parin siya sa sakit.

Umupo ako sa paanan niya at inabot sa kanya ang isang bottled water at painkillers. Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa habang pinagmamasdan ang mukha niya… This is all my fault…

“I hate that look.” Sambit niya matapos uminom ng tubig.

“What look?” Nakunot ang noo ko.

“Stop blaming yourself.” Muli niyang giit. Huminga siya ng malalim at umupo narin sa sofa.

Kinuha ko ang bimpong ibinabad sa maligamgam na tubig at dahan-dahan itong idinampi sa mukha niya. “How can I? My dad killed your father and now you were beat up because you were trying to help me. Let’s stop this Webb, siguro nga sadyang may mga sikreto ang Redwood na hindi na natin dapat alamin pa. My dad’s a serial killer while my brother’s dead—Bottomline, that’s still the horrible truth. Let’s just close the book.”

Biglang hinawakan ni Webb ang kamay ko kaya naman natigil ako sa ginagawa ko.

“Kendra it was never your fault, you’re the very victim here and I won’t stop until all of this is over, I won’t stop until I can finally save you.”  Napatingin ako sa mga mata niya. Ilang sandali kaming nagkatitigan. Wala akong ibang nababasa sa mga mata niya kundi sincerity—It’s as if he means every word he uttered.

The Midnight MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon