Chapter 27 : { Love hurts }

77.4K 3.8K 1.9K
                                    

27.

Love hurts.

Tate

Kapag mahal mo ang isang tao, nakahanda mong gawin ang kahit na ano--kahit na ang magbulag-bulagan man. Freshmen pa lamang kami nila Kendra ay napapansin ko na ang paghanga ni Joey kay Kier. Sa tuwing may basketball game si Kier, parati siyang naroroon para magbigay ng tubig at lakas ng loob dito. Tinalo pa nga niya kaming mga babae sa lakas ng tili niya. Ito ang dahilan kung bakit ko siya inaasar na bakla kahit noon pa man... 

Nang magka-girlfriend si Kier, nakita ko kung gaano siya nasaktan. Unti-unti, ang awang naramdaman ko sa kanya ay nagbago bilang isang pagmamahal.

Yung mga katagang 'everything happens for a reason', akala ko mapapatunayan ko na 'yon. Lugmok na lugmok ako nang mabaril si Kendra, kung tutuusin para akong nawalan ng kaibigan kasi walang kasiguraduhan kung magigising pa ba siya pero hindi ako iniwan ni Joey. Siya lamang ang umalo sa akin at nagparamdam saking hindi ako nag-iisa. Simula noon ay naging napakalapit namin sa isa't-isa, parati ko siyang sinasama sa tuwing binibisita ko si Kendra sa ospital. Araw-araw na nasa ospital si Kier at binabantayan si Kendra kaya naman parati rin kaming nagkakasama.

Napansin ko ang tuluyang pagiging malapit na mag kaibigan nila Joey at Kier. Nagbulag-bulagan ako kasi naniniwala kong ako ang mahal ni Joey at kailanma'y hindi na niya gugustuhin ulit si Kier kasi may kasintahan na ito. Akala ko tinanggap na niya. Akala ko nakatatandang kapatid nalang ang tingin ni Joey kay Kier pero mali ako...

Alam kong masama pero sa totoo lang ay nakaramdam ako ng katiting na ginhawa sa pagkamatay ni Kier kasi sa wakas mawawalan na ako ng kaagaw sa pagmamahal niya. Akala ko sa wakas, masosolo ko na ang atensyon niya.

Mali pala ako...

Natakot ako nang marinig kong binanggit nila Kendra at Webb si Hadley kanina. Iisa lang ang kilala kong Hadley at ito ay si Joey. Ito ang middle name niya at parati niya itong ginagamit na alyas sa tuwing nagda-drag racing kami.

"Joey... Joey bakit?" Muli akong napaubo ng dugo. Sinubukan kong gumapang palayo sa kanya ngunit hindi ko na kayang igalaw pa ang nanginginig kong mga braso.

Niluhod niya ang isang tuhod at marahas na hinawakan ang magkabila kong pisngi. Hindi na ako nakaramdam ng sakit sa ginawa niya.

"Bakit?!" Pinanlisikan niya ako ng mga mata, "Kayo ng pamilya mo ang may dahilan kung bakit namatay si Kier! Pinatay niyo na nga si Kier, sinisira niyo naman ang pamilya niya!"

Wala akong ibang makita sa mga mata niya kundi poot, nagngi-ngitngit siya sa galit. Wala na ang mga mata ng taong minahal ko. 

"Mahal kita..." Napaiyak na lamang ako habang iniinda ang matinding kirot sa loob ng katawan ko. Parang may kung anong nakabara sa dibdib ko, nahihirapan akong huming kaya napasinghap ulit ako.

Binitawan ako ni Joey kaya muli akong bumagsak sa sahig. Bahagya kong iniangat ang ulo ko kaya naman tumulo sa sahig ang napakaraming dugo mula sa bibig ko. 

"Ni minsan ba..." Napahikbi ako habang pinupunasan ang dugo sa labi ko, "Ni minsan ba minahal mo ako?" Halos wala nang lumabas na boses mula sa bibig ko pero sinisikap ko paring magsalita.

The Midnight MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon