Chapter 25 : { Let's talk about Cadavers }

75.5K 4K 1.4K
                                    

25.

Let's talk about Cadavers

Kendra

Pilit kong iniaangat ang ulo ko ngunit hindi parin ako makagalaw. Unti-unti nang lumalapat ang tubig sa ibabaw ng labi ko kaya nagsimula na akong huminga ng malalim. 

Napakalamig... Sobrang lamig...

Wala akong ibang makita kundi ang sarili kong repleksyon sa tubig.

Sa huling pagkakataon ay huminga ako ng malalim. Unti-unti nang umapaw ang tubig sa bath tub. Ilang sandali pa'y kinakapos na ako ng hangin. Pinangunahan ako ng kagustuhan kong huminga kaya naman naramdaman ko ang pagpasok ng tubig sa ilong at lalamunan ko. Napakasakit kaya napapikit na lamang ako. Siguro hindi ko na mararamdaman ang sakit kapag nakatulog ako. Siguro hindi na talaga ako makakaramdam ng sakit oras na mamatay ako..

"Kendra simula ngayon, bestfriend na kita!" Nakangiting sambit ni Tate sa akin matapos niyang maikabit sa kamay ko ang friendship bracelet. Niyakap ko siya ng mahigpit. Maswerte ako kasi mayroon akong bestfriend na gaya niya--- Maswerte ako kasi nagkaroon ako ng bestfriend gaya niya.

Nagulat ako nang bigla na lamang nag-iba ang mukha ni Tate at naging si Webb ito.

"Nasaan si Tate? Anyare?" Tanong ko ngunit tumawa lang siya. Nakakatuwa, lalo siyang gumagwapo lalo na pag nakangiti. 

"Kendra it was never your fault, you're the victim here and I wont stop until its over, I wont stop untilI I can finally save you." Aniya habang hawak ang kamay ko. Ngumiti na lamang ako at hinalikan siya sa pisngi bilang pasasalamat sa lahat ng ginawa niya para sa akin. Its all over for me. No one needs to save me now because death finally did save me from my hellish life.

"Kendra!" 

Nakarinig ako ng isang sigaw kaya agad akong napalingon. Agad kumurba ang isang napakalapad na ngiti sa labi ko nang makita ko ulit siya...

"Kuya Kier!" Sumigaw ako at dali-dali akong tumakbo palapit sa kanya. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at dali-dali ko siyang niyakap ng napakahigpit.

"Its not over yet." Bulong niya sa akin kaya agad kong pinagmasdan ang mukha niya. Nagulat ako nang makita kong nakangisi siya....

"Anong ibig mo----" Napasinghap ako at naramdaman kong may lumapat sa labi ko. Bahagya kong idinilat ang mga mata ko at nagtaka ako nang maaninag ko ang malabong liwanag ng kisame.

"Kendra breathe!" Muli kong naramdamang may lumapat sa labi ko at nagulat ako nang makita ko ang mukha nu Nico ng malapitan. Nang maglayo ang labi namin ay muli akong napasinghap at kasunod nito ay ang paglabas ng napakaraming dugo mula sa bibig ko.

Napahawak ako sa malamig na sahig at muling sumuka ng tubig. Napakasakit ng dibdib ko kaya agad akong napahawak dito. Sa kabila ng sakit na nararamdaman ko sa dibdib at ilong ko ay masaya ako kasi sa wakas naigagalaw ko na ulit ang katawan ko.

"Kendra okay ka lang?" Muling tanong ni Nico kaya agad akong napatingin sa kanya. 

Magsasalita na sana ako nang makita kong biglang tumayo ang duguang si Ziggy at may hawak na itong isang patalim.

The Midnight MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon