24.
Told you not to trust anyone.
Kendra
Hindi ko alam kung nasaan si Ziggy pero nagbabakasakali akong nandito siya ngayon sa bahay nila.
Hingal na hingal na ako kaya tumigil muna ako sa pagtakbo. Bahagya akong yumuko at isinandal ang mga palad sa tuhod ko. Nagtaka ako nang mapansin kong nakabukas ang gate nila. Bago pumasok ay bahagya muna akong napasulyap sa hindi kalayuan at nakikita kong marami pang pulis sa bahay namin...Siguro binubusisi parin nila ang crime scene.
Dahan-dahan akong pumasok sa bahay nila at napansin kong nakabukas ang mga ilaw at ilan sa mga appliances. May malaking upuan sa mismong harapan ng umaandar na TV, hindi ko man nakikita ang mukha niya, may ideya na ako kung sino ito.
"Ziggy..." Tumigil ako sa paghakbang papalapit sa kanya.
Bigla niyang itinaas ang kamay niyang may hawak na remote control at kasabay nito ang pagtahimik ng paligid. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at dahan-dahang humarap sakin.
"Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa tabi ka ni Tate?" Tanong niya sakin habang nakangiti. Kung tutuusin walang pinagbago sa tono ng panaalita niya, kalmado parin siya habang nakangiti pero hindi ko maiwasang magduda sa kanya.
"Ikaw Ziggy, anong ginagawa mo dito? Bakit wala ka sa burol ng parents mo?" Sinagot ko ang tanong niya ng isa pang tanong. Nahihirapan na akong magsalita ng tuwid, nauutal ako at halos hindi ko siya magawang tingnan sa mga mata.
"Pwede bang samahan mo ako bukas? Hindi ko kayang mag-isa. Kailangan ko ng kaibigan..." Sabi niya ulit habang nakangiti. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ko ang mga lumulutang na salita sa ibabaw ng ulo niya, nag-iiba-iba ito ng kulay na nagdudulot ng kirot sa magkabila kong sintido. Sa sobrang sakit ay napapikit na lamang ako.
"Ken okay ka lang?" Narinig kong tanong ni Ziggy kaya umiling na lamang ako. Narinig ko ang mga yapak niyang papalapit sa akin kaya bahagya akong umatras at iniharang sa kanya ang kamay ko.
"I'm okay. I just need you to answer my question." Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Mahapdi sa mata ang liwanag kaya iniyuyuko ko na lamang ang ulo't paningin ko.
"Ano?" Tanong ni Ziggy.
"Did you have anything to do with Libby's death?" Nagdadalawang-isip man, alam kong ito ang dapat kong itanong. For sure din naman hindi ang isasagot niya, baliw ako kasi naisip ko kaninang maaring siya ang gumawa nun--which is impossible. I know Ziggy, he cant and he wouldnt-----
"Yup!"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Inaangat ko ang ulo ko at tiningnan ko ang mukha niya. Taas-noo siya sa pagngisi na para bang nagmamalaki.
"Ziggy this isnt a joke!" Hindi ko maiwasang mapangiwi. Nakikita ko parin ang mga makukulay na salita sa ibabaw ng ulo niya pero hindi ko nalang ito pinapansin.
BINABASA MO ANG
The Midnight Murders
Mystery / ThrillerWaking up from coma, Kendra finds out that not everything in Redwood is what it seems nor is her picture-perfect life.