17.
Damages
Kendra’s Point of View
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Wala akong ibang makita kundi mga doctor at nurse na nakapalibot sa’kin.
“Ms. Villegas blink twice if you can hear me.” Sabi ng isa sa mga doktor kaya kahit hirap ay dahan-dahan kong ikinurap ang mga mata ko. Napakabigat parin ng nararamdaman ko pero mas maayos na ito dahil nararamdaman ko na ulit ang paggalaw ng kamay ko.
“Sweetie I need you to say something. Can you speak? Sweetie just tell us your name.” Mahinahong sambit ng isa sa mga doktor habang tinititigan ang mga mata ko.
Dahan-dahan kong ginalaw ang bibig ko. “Ken..”
Napasinghap ako. Unti-unti ko na ulit nagagalaw ang labi ko kahit na hinang-hina pa ako. Diyos ko salamat!
“Don’t be scared. Makakagalaw ka rin. Just take a deep breath and remember the good memories. Alalahanin mo yung mga bagay na palaging nakakapagakalma at nakakapagpasaya sa’yo.”
Dahil sa sinabi ng doktor ay muli kong ipinikit ang mga mata ko.
Happy thoughts Kendra… Happy thoughts…
*****
“Ano kaya talaga ang nangyari kay Kendra?”
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ng doktor kanina? Epekto to nga 'to ng pagkakabaril at coma niya. Sa madaling salita napuno na ng toyo ang utak ni Kendra!”
“Tobi shut up! Pag-ako hindi nakapagpigil tatahiin ko yang bibig mo!”
“Cross-stitch para cool!”
“Dude I am so gonna kill you!”
"Pare ano ba kasing nangyari kay Kendra?"
"Hindi ko alam. Nagluluto lang ako tapos napansin kong hindi na siya nakakagalaw."
"Nagluluto?! Ano kayo---
“Guys… Ang ingay niyo.” Hinang-hina man ay hindi ko maiwasang mapangiti. Sa wakas, nakakapagsalita na ulit ako. Ang sarap sa pakiramdam na sa wakas, nako-kontrol ko na ulit ang sarili ko.
“Kendra! Pinag-alala mo ako! Kamusta na ang pakiramdam mo?!” Maluha-luhang sambit ni Tate na kulang nalang ay daganan ako sa pagkakahiga.
“Sabi ko naman sayo eh, matibay yang si Kendra.” Panunukso pa ni Joey.
“Ken sabihin mo lang kung gusto mong sumubok ng medical marijuana.” Sabi pa ni Tobi kaya agad siyang binatukan ni Ziggy na namumugto parin ang mga mata.
Nilibot ko ang paningin ko, nandito rin pala si Webb. Tahimik lang siya habang nakasandal sa isang tabi. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik sa kanya.
Kung mamamatay-tao siya, paniguradong pinatay na niya ako kanina pero hindi niya ito ginawa. Nang mapansin niyang hindi ako makagalaw kanina ay dali-dali niya akong isinugod sa ospital. Kung tutuusin, malaki ang utang na loob ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Midnight Murders
Mystery / ThrillerWaking up from coma, Kendra finds out that not everything in Redwood is what it seems nor is her picture-perfect life.