Chapter 14 : { Heartbeat }

94K 3.9K 1.2K
                                    

14.

Hearbeat.

Third Person’s POV

                        

“Ziggy works here now?” Tanong ng nagtatakang si Kendra nang huminto ang morsiklo nila sa isang maaliit na grocery store.

“Kayo na kumausap kay Ziggy, di pa ako kumakain eh.” Paalam ni Tobi habang hawak ang tiyan kaya tumango na lamang sina Webb.

Mayroong coffee shop sa tabi ng grocery store kaya dito dali-daling nagpunta ang namumutla nang si Tobi. Matapos umorder ng breakfast combo ay agad siyang naghanap ng mauupuan, okupado na ang lahat ng mga mesa ngunit mabuti nalang at nahagip ng paningin niya ang isang table kung saan isang babae lang ang nakaupo. Hindi na siya nagpaalam pa sa babae at dali-dali na siyang umupo sa tapat nito.

Sarap na sarap na si Tobi sa kanyang kinakain, hindi niya alintana na napakasama na pala ng tingin sa kanya ng babae.

“Excuse me?” Sarcastic na sambit ng babae habang nakataas ang isang kilay.

“Dumaan ka lang, wala akong pakilam kahit apakan mo ako. Wag mo lang akong distorbohin.” Giit ni Tobi nang hindi man lang inaalis ang paningin sa kanyang plato.

“What the hell?!” Tuluyang napasigaw ang babae sa inis. Halos magsalubong na ang dalawa nitong kilay.

“Miss umagang-umaga pa, wag kang sumigaw. Masakit sa tenga.” Reklamo pa ni Tobi habang sa pagitan ng kanyang pagnguya.

“Yuck! You’re so disgusting! Get the hell out of my table!” Nakangiwing sigaw ng babae na kulang nalang ay mangisay sa pandidiri.

Mistulang naging pamilyar kay Tobi ang boses at asal nito kaya iniangat niya ang ulo upang tingnan ang mukha ng nito.

“Ikaw na naman pala.” Napasinghal si Tobi at nagpatuloy nalang ulit sa pagkain nang mapagtantong ito ay si Priscilla.

“Wait I know you! You’re that asshole last night who almost ruined my Keg party!”  Nanlaki ang mga mata ni Priscilla at agad itong tinuro.

“Calm your tits Priscilla. I’m eating. Mawawalan ako ng gana kung sisigawan mo ako.” Kalmado lamang ang boses at kilos ni Tobi, bakas sa panginginig ng mga kamay niya habang sumusubo na gutom talaga siya.

Lalong nanlisik ang mga mata ni Priscilla dahil sa galit. Napahawak na lamang siya ng mahigpit sa kanyang kutsara at napapikit. Nanginginig narin ang mga kamay niya pero dahil ito sa inis kaya naman napabuntong hininga na lamang siya upang mapigilan ang sarili na mag-eskandalo.

“Pris, wag kang highblood. Lalaki ang butas ng ilong mo, mahirap na, baka matangay pa ako papasok.” Walang emosyong sambit ni Tobi kaya naman tuluyan nang hindi nakapagpigil sa inis si Priscilla at hinayaan nang palabasin ang mga matatalim na salita.

“Have some common decency! Ikaw ang kusang umupo dito! Blablablablablablabla.” Sa dami ng binitawang salita ni Priscilla ay ito lamang ang katagang rumehistro sa isipan niya. Nagpatuloy lamang ang dalaga sa pagsasalita pero si Tobi ay nakatitig lamang sa maganda nitong mukha.

Dahan-dahang napahawak si Tobi sa kanyang dibdib nang mapansing napakabilis ng tibok nito. Muli niyang tinitigan ang brown nitong mga mata.

The Midnight MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon