Chapter 28 : { The beginning of the end } Part 2 of 2

81.8K 3.8K 1.1K
                                    

28.2

The beginning of the end.

Kendra

Wala akong ibang magawa kundi umiyak. Maya't-maya akong napapasigaw sa pag-asang sa pamamagitan nito ay maiibsan ang sakit na nararamdaman ko pero balewala kasi habang tumatagal, patindi ng patindi ang nararamdaman kong sakit. Para akong pinapatay.

Kahit pumikit ako, ang mukha ni Tate ang nakikita ko.

Sana panaginip lang to. Sana isa lang 'tong masamang panaginip at magigising ako sa katotohanang buhay pa ang bestfriend ko.

"Hahanapin natin ang gumawa nito kay Tate at pagbabayarin natin siya. Kailangan mong maging matatag." Giit ni Webb at pinasandal ako sa balikat niya kaya napapikit na lamang ako.

Kailangan kong maging matatag para kay Tate.

Pagbabayarin ko ang demonyong gumawa sa kanya nito.... 

Huminga ako ng malalim at tumayo. Pinunasan ko ang luha mula sa mga mata ko at inikuyom ang kamao. 

"I'll just go to the bathroom." Paalam ko kay Webb ngunit bigla na lamang siyang tumayo. "Alone. I need to be alone." Giit ko at agad akong naglakad palayo.

Imbes na dumiretso sa banyo ay naglakad ako palabas ng ospital. Isa lamang ang kilala kong maaring may pakana o gumawa nito sa kanya--Ang demonyong ama ni Kuya Kier. Humanda siya, pagbabayarin ko siya sa mga ginawa niya sa amin lalong-lalo na kay Tate. 

"Kendra?" Natigil ako sa paglalakad sa parking lot nang may marinig akong pamilyar na boses. Sinundan ko ito ng tingin at nakita ko si Joey na papalabas sa kanyang kotse.

"Joey..." Hindi ako halos makapagsalita. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanyang wala na si Tate. Alam ko kung gaano niya ito kamahal. Tiyak masasaktan siya...

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin.

"Joey si Tate... Wala si Tate." Nautal ako, ni hindi ko magawang tingnan siya sa mga mata. Umasa akong iiyak siya at masasaktan pero laking gulat ko dahil tumango-tango lamang siya. Malayo sa inaasahan ko.

"Sumama ka sakin. Kailangan na kitang maialis dito." Nagtaka ako nang bigla na lamang niyang hinigit ang braso ko papunta sa kotse niya.

"Teka sandali saan tayo pupunta?" Tanong ko bago ako sumakay sa kotse niya.

"Kendra bago mamatay ang kuya mo ay ipinagkatiwala ka niya sa akin. Ipinangako ko sa kanyang ilalayo kita dito at hindi kita hahayaang masaktan." Tiningnan niya ako sa mga mata habang nagsasalita. Nakaramdam ako ng awa sa kanya nang makita ko ang pangingilid ng luha niya.

"I-ikaw ba si Hadley?" Tanong ko. Nang tumango siya ay sumakay na lamang ako sa kotse niya. Pinagkatiwalaan siya ni Kuya. Kung buhay nga si Kuya, siguradong alam niya kung nasaan ito.

Walang ano-ano'y bigla na lamang pinaandar ni Joey ang sasakyan. 

The Midnight MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon