Chapter 23 : { The Domino Effect }

81.9K 3.9K 1.6K
                                    

23.

The Domino Effect

Kendra

“Drink this okay?” Pinahawak sa akin ni Webb ang bottled water pero wala na akong lakas na hawakan ito kaya nalaglag ko ito sa lupa.

Kahit na anong gawin ko, ayaw parin tumigil ng panginginig ng mga kamay ko at pakiramdam koy ano mang oras ay masusuka na ako dahil sa matinding bigat ng nararamdaman.

“Did I cause all this?” Hindi ko maiwasan itong maitanong. Nagsimula ang lahat ng gulong 'to noong nagising ako... Kung hindi na ako nagising, may mapapahamak parin kaya?

“You never have and you never will.” Hinubad ni Webb ang suot niyang kulay itim na jacket at ipinatong ito sa balikat ko.

"Kelan ba to matatapos? Pagod na pagod na ako..." Muli akong napasulyap bungad ng ospital na pinagdalhan sa bangkay ni Libby. Gustong-gusto kong pumasok para kay Tate wala na akong mukhang maihaharap sa kanya at sa pamilya niya.

What happened to us was awful... What happened to Libby was the worst...

"Look, about what your dad said…” Mahinang sambit ni Webb kaya bahagya na lamang akong napasandal sa nakaparada niyang motorsiklo at napapikit.

“He’s lying. It can’t be. I’m her daughter and he loves me. He’s a murderer but he loves me. My Dad loves me.” Ayokong maniwala sa sinabi ni Daddy. Imposible…  Anak niya ako. Mahal niya ako gaya ng pagmamahal niya kay Kuya Kier. Nagsisinungaling lang siya, anak niya ako. Siguro sinabi niya lang yun para layuan ko siya at wag na akong masaktan.

“Kendra alam kong mahirap tong paniwalaan pero hindi ka niya totoong anak. Nagsasabi siya ng totoo.” Nagulat ako sa sinabi niya kaya agad akong naidilat ang mga mata ko at napatingin sa kanya.

“Anong… Anong ibig mong sabihin?” Nauutal kong sambit.

"Yung family picture na ipinakita ko sa'yo noon, yung ang Kuya Kier mo kasama ang mommy niyang buntis at ang daddy ninyo. That photo was taken a few days before he killed her. She died while she was pregnant... Kendra she died along with her unborn baby. Pagkatapos patayin ng daddy mo ang asawa niya ay dinukot niya ang isang sanggol mula sa isang ospital at nagtago siya dito sa redwood...." Hinawakan ni Webb ang magkabila kong balikat at tiningnan ako sa mga mata, "Kendra ikaw ang sanggol na dinukot niya, hindi ka niya anak. Dinukot ka lang niya at binuhay para kay Kier dahil ito ang makapagpapasaya sa kanya--Isang kapatid, isang pamilya. Pinaniwala niya kayong dalawa ni Kier sa mga kasinungalingan niya. Kahit isa siyang serial killer, ginusto niya paring mabigyan si Kier ng isang masayang pamilya kaya sa loob ng napakaraming taon ay nagsinungaling siya sa inyo. Pinaniwala niya kayong magkapatid kayo.... Na iniwan lang ako ng ina ninyo."

Napahawak na lamang ako sa bibig ko. Pakiramdam koy tinakasan na ako ng pandinig at katinuan. Gusto kong umiyak pero wala na yata akong maluluha pa. Gustong-gusto kong makakita ng mga pulang letra sa ibabaw ng ulo niya pero wala talaga...

Ibig sabihin, totoo pala yung sinabi ni Daddy. Sa loob ng labing-pitong  taon ay naging isang manika lang pala ako. Isang napakalaking kasinulangan ang buong buhay ko... Sinira niya ang buhay ko.

The Midnight MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon