18.
The secrets we keep.
Kendra’s Point of View
“Jj… Jj’s dead?” Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas upang magsalita. Paanong patay na si Jj? Imposible… Kung patay na nga siya, sino yung nakausap ko kagabi?
“Jj was the first to die three years ago, kitang-kita natin yun!” Mangiyak-ngiyak na sambit ni Tate.
Tuluyan na akong binalot ng matinding takot at kaba. Wala akong nakikitang mga pulang salita sa ibabaw ng mga ulo nila, ibig sabihin sinasabi nila ang katotohanang alam nila.
“Ken baka naman nananaginip ka lang?” Kunot-noong sambit ni Joey.
“Hell no! Nakita ko ang nakita ko! Nag-usap kami ni Jj kagabi at pati narin doon sa Keg!” Giit ko sa kanilang lahat pero parang wala parin sa kanilang naniniwala sa akin. Kung makatingin sila, para bang sinasabi nilang nababaliw na ako.
“Mauna na ako. Natatakot na talaga ako sa pinag-uusapan niyo.” Nauutal na sambit ni Libby at dali-daling umalis.
Ilang sandaling binalot ng nakakailang na katahimikan ang kwarto. Wala sa kanilang nagsasalita pero alam kong pinagdududahan na nila ang katinuan ko, ramdam ko sa bawat tingin nila. Nakakainis pala kapag walang naniniwala sa sinasabi mo kahit hindi ka naman nagsisinungaling.
Ako rin naman eh, hindi rin ako makapaniwala sa lumalabas sa bibig ko pero alam kong totoo yung nakita ko. Totoong nakita at nakausap ko siya.
“Kendra, magpahinga ka muna. Siguro pinaglalaruan ka lang ng imahinasyon mo.” Pakiusap ni Tate na namumutla na. I could feel her sympathy and concern through her voice and actions but I can tell that in spite of all my explanations, she still won’t believe me… And I guess she never will.
“Hindi ako nababaliw Tate.” Napatingin na lamang ako sa kawalan.
“Kendra naman, walang nagsasabing nababaliw ka.” Hinawakan ni Tate ang mahigpit ang kamay ko.
“Then why won’t you believe me?!” Hindi ko na maiwasan pang mapasigaw sabay wakli ng kamay niya.
Saglit na hindi nakapagsalita si Tate. Napatitig lamang siya kay Joey na kanina pa tahimik.
“I believe you.” Nagulat kami nang muling magsalita si Webb. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam knowing atleast may isa sa kanilang naniniwala sa akin.
Sinapo ni Tate ang noo niya at napatingala sabay buntong hininga. Muli niyang ibinalik ang tingin sa akin, “Look Kendra, Naniniwala rin naman ako sayo pero sa mga sinasabi mo…” Umiling-iling siya na tila ba wala nang lakas ng loob na magsalita pa.
“Tate sa tingin mo ba nababaliw na ako?” Napatitig ako sa bilugan niyang mga mata. Pansin kong gaya ko ay nagpipigil narin siya sa pagluluha.
BINABASA MO ANG
The Midnight Murders
Mystery / ThrillerWaking up from coma, Kendra finds out that not everything in Redwood is what it seems nor is her picture-perfect life.