Chapter 12 : { When Midnight Comes }

105K 4.4K 1.9K
                                    

12.

The List

Kendra's Point of View

Pumasok ako sa kwarto ng kuya ko at dahan-dahang sumilip sa bintana, nakita ko ang isang police car nakaparada sa hindi kalayuan. Gabi-gabi ko nang napapansin ang police car nato matapos akong magising sa coma, akala ko noon ang buong village ang binabantayan nila pero ngayon, alam ko nang ako ang binabantayan nila.

Oo nga pulis sila pero hindi ko alam kung ligtas nga ba ako sa kanila, after all kabilang sa kanila ang pumatay sa kuya ko. Mga walang hiya sila.

Photocopies, Testpapers at kung ano-anong maliliit na papel lamang ang nakikita ko sa cabinet ni Kuya. Kanina pa ako naghahalungkat sa mga gamit niya pero wala talaga akong makitang kahit na anong listahan. Ano kayang listahan ang ibig sabihin ni Ate Macy? Kung naging kapalit nun ang buhay ni Kuya ibig sabihin, napakahalaga nun lalong-lalo na sa mga taong sumira ng pamilya namin.

"Kendra anong hinahanap mo?" Napapitlag ako nang bigla na lamang sumulpot si Tate.

"Shit! What the hell are you doing here?! Di ba uso sayo ang doorbell?" Nakangiwi kong tanong.

"Relax! May spare key kaya ako ng bahay niyo." Tumatawang sambit ni Tate at tiningnan ang mga papel na hawak ko. "Ano 'yan?" 

"Why do you have a spare key to my house?" Nakakapagtaka, sa pagkakaalam ko kaming tatlo lang nila Kuya at daddy ang may susi sa bahay.

"From my tito! Shunga! baka nakakalimutan kong pamangkin ako ng mayor?" Sarcastic niyang sambit

Oo nga pala, pamangkin siya ng mayor na siyang pinagdududahan ko. Nakakapagtaka ang matandang yun, kung tutuusin wala siyang responsibilidad sa akin pero panay ang pag-tulong niya matapos nang magising ako. Hindi masama ang pagtulong pero may kakaiba lang talaga sa kanila.

"So why does your uncle have a spare key to my house? Your uncle's the mayor not a realtor." Giit ko kaya nawala ang ngiti sa mukha ni Tate.

"Ha? Kendra naman. Anong klaseng tanong yan?" Nauutal na sambit ni Tate.

"Noong wala ako, may iba pa bang mga tao ang pumapasok dito? May mga dumating ba dito para maghalughog sa mga gamit namin?" Halata ang gulat sa mukha ni Tate nang tanungin ko ito. Agad siyang napatayo.

"W-wala naman? Ano bang pinagsasabi mo?" Gaya ng inaasahan ko, may muling lumutang na pulang mga salita sa ibabaw ng ulo ni Tate.

"Liar! They were looking for some kind of list right?" Muli kong tanong kaya nanlaki ang mga mata ni Tate.

"Anong ibig mong sabihin? W-wala akong alam diyan?" Pagsisinungaling ulit ni Tate. Napailing-iling siya at agad napahawak sa bewang niya, "Teka may sinabi ba yung Webb na yun sayo?!" Nakunot ang noo niya at halata ang inis sa mukha niya.

"Webb? All we ever talked about were video games besides were not close anyways!" Pagsisinungaling ko. Tate is lying to me so I might as well lie to.

"Hey can you two please stop arguing? I cant hear the tv downstairs! Ang ingay niyo!" Laking gulat ko nang bigla na lamang sumulpot ang isang babae. Mas bata ata siya ng ilang taon sa amin ni Tate. Napatingin ako kay Tate at binigyan siya ng Sino-yan-look.

The Midnight MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon