28.
The beginning of the end
Third Person's Pov
Nagising si Priscilla nang bigla na lamang tumunog ang cellphone niya. Napatingin siya sa paligid at nakita niyang umaga na pala. Napatingin siya sa kama at nakita niya si Tobi na mahimbing na natutulog sa kabila ng tinamong mga bali sa buong katawan. Lumapit si Priscilla at hinimas ang noo nitong may benda pa.
"Dude wake up already..." Mahinang sambit ni Priscilla. Kahit papaano ay naibsan ang kaba niya dahil ayon sa mga doktor ay maayos na daw ang lagay nito at hihintayin nalang na magising.
Muling tumunog ang cellphone niya. Tumatawag na naman ang mga magulang niya kaya lumabas na lamang siya upang sagutin ito.
Ilang minuto matapos lumabas si Priscilla ay tahimik na pumasok sa loob ng kwarto ang ama ni Tobi na may dala-dalang isang malaking unan.
Lumapit ito sa anak na mahimbing na natutulog at saglit na pinagmasdan ang mukha nito.
"Its about time I get rid of you for good Tobi..." Mahinang niyang sambit at dahan-dahang tinanggal ang oxygen mask sa mukha nito.
Tatakpan na sana niya ng unan ang mukha ni Tobi nang bigla na lamang gumalaw ang labi nito.
"Dad...."
Nanlaki ang mga mata ng ama ni Tobi nang makitang nagigising na ang anak na itinuring niyang sakit sa ulo at perwisyo. Walang ano-ano'y agad niyang tinakpan ng unan ang mukha ni Tobi. Sinubukan ni Tobi na magpumiglas ngunit hirap siya dahil sa mga cast na nakakabit sa kanyang mga paa at kamat. Pahigpit ng pahigpit ang pagkakatakip ng ama niya kaya unti-unti ay nahirapang huminga si Tobi. Subukan man niyang sumigaw ay hindi na magawa.
- - - - -
Kendra
"Ba't di ako sinasagot ni Tate?" Hindi ko maiwasang mainis. Kanina ko pa siya tinatawagan gamit ang cellphone ni Webb pero ayaw niya talagang sumagot. Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan, wala naman sigurong nangyaring masama sa kanya.. hindi... imposible napa-praning lang ako.
Lulan ng kotse ni Webb ay nagpunta kami sa ospital upang bisitahin si Tobi. Hindi namin maiwasang mag-alala kasi pakiramdam namin kami ang may kasalanan nito.
Nasa corridor pa lamang kami ng ospital ay nakita na namin si Priscilla na may kausap sa cellphone. Nakakaawa siyang tingnan kasi suot-suot parin niya ang duguan niyang ball gown at halatang hindi pa siya nakakapahinga ng maayos. Malayong-malayo sa Princilla na it girl ng school.
Ibinaba ni Priscilla ang cellphone ng makita kami.
"Kamusta na siya?" Tanong ko kay Priscilla.
"He's in stable condition. Sabi ng doctor, ano mang oras ay magigising na siya." Kahit papaano ay nakahinga kami ng maluwag ni Webb sa nalaman.
"Anong nangyari?" Tanong ko ulit.
"My uncle hired your dad to kill me. Papatayin na niya sana ako kaso niligtas ako ni Tobi kaya muntik siyang mapahamak." Nanlulumong sambit ni Priscilla. We're not friends but I feel bad for her, I cant help but to hug her.
BINABASA MO ANG
The Midnight Murders
Mystery / ThrillerWaking up from coma, Kendra finds out that not everything in Redwood is what it seems nor is her picture-perfect life.