8.
Tongue Tied
Kendra's Point of View
"You were gone for awhile so Im gonna need you to memorize this" Nagulat ako nang inabot ng teacher sa akin ang isang chart ng periodic table of elements.
"Ma'am with all due respect kakagising ko lang po mula nang ma-coma, pwede po bang hinay-hinay muna?" Dahan-dahan kong sambit habang nagpapamalas ng super cute smile ko. Ah, no one can resist my cute smile.
Akala ko talaga papayag siya kaso umiling lamang siya at bahagyang ngumiti. "Nice try kiddo, no cant do. Your brain is fully functioning. You dont have to worry about that." Sigh. Akala ko pa naman makakamtan ko na ang perks ng pagiging coma-survivor di parin pala.
4:00 pm. Pwede na akong umuwi unlike other normal students dito na 4:30 pa uuwi. I guess this can be considered as a perk. Ang problema lang ayoko pang umuwi. Malulungkot lang ako doon kayat dito muna ako sa mini park malapit sa soccer field. Malalaki ang mga puno dito at napakasariwa ng hangin kaya naisipan kong magpasilong muna sa ilalim nito.
"Never thought you were an Emo." Nagulat ako nang biglang sumulpot si Webb.
"Im not. Im more of a Kpop kind of girl." I corrected him.
"You'll memorize that shit?" Turo ni Webb sa chart na hawak ko.
"Unfortunately."
"Wait you just woke up from coma right?" Umupo siya sa tabi ko at inagaw ang chart.
"Thats what I said too! Kaso masyadong strict ang teacher ko. Asan ang hustisya?!"
"Weird." mahinang saad niya habang nakatingin sa kawalan.
"Nah, youre much weirder." Giit ko
"No I mean, nagising ka sa coma just last week. Kendra brain dead ka for three years, kung tutuusin dapat hindi pa nakakapaglakad o nakakapag-salita man lang." Kunot-noo at parang naguguluhan niyang sambit.
"Well hindi naman pare-pareho ang lahat ng tao diba. What if special lang talaga ang utak at katawan ko. And besides malakas talaga ang resistensya ko mag-mula pa noon." I guess Webb didnt accept my reason dahil tumahimik lamang siya at muling nagsenti na para bang napakalalim ng iniisip.
"Nadagdagan na naman ang misteryo sa buhay mo." Kinuha niya ang notebook mula sa bag niya at may ininulat dito. Nakakapagtaka ano na naman kayang trip ng lalaking to.
"Ano?"
"Si Ziggy. Kanina may hawak siyang hospital records mo pero nang babasahin ko sana 'yon ay bigla niya itong pinunit dinuraan" Yuck naman! May pagka-weirdo din pala si Ziggy. Pero bakit naman niya gagawin 'yon?
"Nga pala, sorry sa nangyari sa Daddy mo."
Napangiti na lamang ako at napailing, "Nope. My dad is alive."
"Paano mo naman nasabi?"
"Tate told me so and I know she wasnt lying. Ang kailangan ko na lamang malaman ngayon ay sino ang pumatay sa kuya ko at bakit siya hinahabol ng mga pulis nang gabing 'yon. Sana talaga nasa akin ang cellphone o ang laptop niya, baka sakaling may kasagutan dun." Napabuntong hininga na lamang ako. This is hopeless.
BINABASA MO ANG
The Midnight Murders
Mystery / ThrillerWaking up from coma, Kendra finds out that not everything in Redwood is what it seems nor is her picture-perfect life.