Chapter 9 : { The Shooter }

91.3K 4.4K 2K
                                    

9.

The Shooter

Kendra's Point of View

Umagang-umaga panay ang bulong-bulungan ng lahat at iisa lang ang paksa nila, ang pagkamatay ni Paige.

"Kaya kayo wag kayong lalabas ng mag-isa lalong-lalo na kapag gabi. Grabe naman yung sinapit ni Paige, pinutulan pa ng dila ng walang hiyang holdaper." Paala ni Joey kay Tate.

"Joey naman eh! Wag mo na ngang ipaalala." Hinampas ni Tate ang balikat ni Joey.

"Kaya nga pinapaalalahanan kayo para makapag-ingat kayo." Heto na naman at magbabangayan na naman silang dalawa.

"Nga pala Joey asan si Nico?" Tanong ko. Kapwa natahimik silang dalawa.

"Mamaya pa atang hapon papasok si Nico. Mahal niya si Paige, napakasakit para sa kanya ang nangyari." Malungkot na sambit ni Joey. Napahigpit ang hawak ko sa bag strap ko. Hindi ko maiwasang mapaisip; Ganito rin kaya ang reaksyon ni Nico nang mabaril ako?

"Ken okay ka lang?" Tanong sa akin ni Tate at inakbayan ako kayat tumango na lamang ako.

"Malapit lang sa bahay natagpuan ang bangkay ni Paige. Nakita namin mismo ni Ziggy ang bangkay niya. Sana talaga madakip ang pumatay sa kanya."

- - - - - - - -

Malapit ng tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang afternoon period pero andito parin ako sa locker area. Ako lang mag-isa dito dahil ang karamihan ng mga estudyante ay nasa kanya-kanya ng mga classroom.

Sa kabila ng lahat ng mga nangyari, kaibigan ko parin si Nico kayat hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya lalong-lalo na't mahirap ang pinagdadaanan niya. Maya-maya pa ay nakita ko siyang lumapit sa locker niya. Marahas niya itong binuksan. Bakas ang pamumula ng mga mata niyang tanda ng pag-iyak.

"N-nico?"

Saglit siyang natigil sa paglalagay ng mga kagamitan sa bag niya nang marinig ang boses ko. Wala akong ibang nakikitang emosyon sa mukha niya kundi galit.

"Nico okay ka lang?"

Bigla siyang lumingon sa akin. Nakakatakot ang tingin niya.

"Kasalanan mo tong lahat. Kung hindi dahil sayo hindi namatay si Paige!" Kasabay ng pagsigaw niya ang marahas niyang pagsara ng pintuan ng locker niya. Napapitlag ako sa gulat. Wala akong ibang nakikita sa mukha niya kundi galit. Galit na galit siya sa akin.

"Sana hindi ka nalang bumalik! You are the reason why this fucking place is going to hell! Sana namatay ka nalang!" Dinuro-duro niya ako habang sumisigaw. Takot na takot ako sa naging reaksyon niya kayat humakbang ako paatras. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ito sinasabi kayat napaiyak na lamang ako.

Narinig ng ibang mga estudyante ang sigaw ni Nico kayat ang iba'y nagsilabasan sa mga classrooms nila para maki-osyoso.

"Kung hindi ka bumalik sana buhay pa si Paige! Sana ikaw nalang yung namatay!" Parang dinudurog ang puso ko sa sinasabi niya kayat napapikit na lamang ako. Ito na siguro ang pinakamasakit na salitang narinig ko buong buhay ko. Walang ano-anoy bigla na lamang siyang naglakad palayo. Nakakatakot ang mga tingin niya kayat pakiramdam koy nanigas ako sa kinatatayuan ko at halos di ako makagalaw.

The Midnight MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon