Chapter 1 Putik

14.2K 191 14
                                    

Khendra's POV

Yawn.... Sabay unat-unat ng kamay. Nakangiti akong bumangon sa aking luma ng papag. Dali-dali kung kinuha ang tuwalyang naka sabit lang sa may likod ng pintuan ng aking kwarto.at dumeritso nako sa banyo para maligo.

After 30 minutes hito Na ko sa tapat ng aking lumang aparador, kalkal Dito kalkal don.

"Asan naba Kasi yon?" Bulong ko sa sarili ko.

"Ayon." nag ningning ang aking mapupungay Na mata pagka kita ko sa dress Na hinahanap ko.
Ito Kasi ang paborito kong damet, gift pa to Sakin ng tiyahin ko na naninirahan sa Manila..Kaya tudo ingat ko Dito. Pang malakasan ko kaya to. Ginagamit ko lang to kapag my espisyal na okasyon.
Kagaya ngayon, mag ni ninang Kasi Ako sa binyag ng anak ng best friend ko. First tym ko kaya mag ninang kaya dapat Uma aura ang lola nyo...

"Khendra,bilisan mo't anong Oras Na.mahuhuli kana Nyan" sigaw Sakin ni Lola kaya huling sulyap pa sa salamin. Napangiti Ako.gumaganda talaga ko pag Ito ang suot ko.

"La,alis na po Ako". paalam ko Kay Lola sabay mano.

"Sige mag ingat ka apo ha."
"Oo Naman po la,para sa inyo kaya lagi akong nag iingat."sagot ko habang palabas ng pinto.

"Hello mang lito!" Bati ko Kay mang lito Na kasalokuyang nag luluto ng minudo.
" Hello din Kendra,ganda natin ngayon ah.san lakad mo?"

"Sa chapel ho,mag ni ninang Ako sa anak ni Brenna."sagot ko sa kanya.

"Ganon ba,o Sige punta kana lang dito mamaya para matikman mo tong espisyal kong minudo." Naka ngiting Sabi ni mang lito Sakin.

"Nako mang lito talaga pong pupunta ko sa inyo,eh magkapit bahay lang Naman tayo eh.. Sige Po una Na ko."

"Sige ingat nalang at madulas ang daan, umulan Kasi kagabi."

"Salamat Po."

Habang nasa daan pinag mamasdan ko ang mga kaba baryo ko,busy ang lahat.may naglilinis, nagluluto at yong iba naglalagay pa ng dikorasyon. Kahit naghihirap lang ang mga Na ninirahan Dito sa barangay namin, Pero tuwing sasapit ang buwan ng mayo,talagang pinag hahandaan nila to.

Kahit barong-barong lang ang ibang bahay nag hahanda rin Sila. Ika nga eh once a year lang naman daw sumasapit ang fiesta ng barangay PINAGPALA.(wala ko maisip eh)

Ano ba yan,nakalimutan ko na tuloy magpa Kilala sa inyo.

Ako nga pala si Khendra Montes 19yrs old. 4th year College Na sana ko ngayong pasukan,kaya lang dina raw Ako kayang paaralin ni Lola.naging sakitin Na Kasi sya.at ang dame Na niyang  iniinom na gamot.

Wala naman akong magagawa kundi ang maghanap nalang muna siguro ng trabaho.mag iipon muna ko para makapag aral muli.

"Ay keking Ina mo!". Syete yong favorite dress ko natalsikan ng putik.

" Hoy!!! Lumabas ka dyan,lang hiya ka tingnan, mo tong ginawa mo Sakin!!" Inis na sigaw ko don sa driver ng kotse..buti at huminto naman ito. Nakita kong binuksan nya ang pinto ng kotse kya wala nakong sinayang na sandali.

"Tingnan mo...tingnan mo ang ginawa mo sa paborito kung damet!! Pano Pako nito makaka attend ng binyag kung Puro na putik tong...." Diko natuloy ang pag sigaw ko sa kanya ng makita ko ang lalakeng bumaba ng kotse at dahan- dahan- nyang tinangal ang shade na suot nya.

Napatulala Ako sa kanya habang papalapit siya sakin, parang slow motion ang bawat galaw. Umurong atang bigla ang dila ko.

" Look miss,nalubak ang gulong ng kotse ko kaya hinde ko kasalanan kung natalsikan ka ng putik na Yan." Walang kabuhay buhay na Sabi ng ungoy sa harap ko.kaya biglang nag panting ang tenga ko.

"So kaninong kasalanan yon? Sakin o sa putik?? Eh kung marunong kaba naman kasing mag ingat, alam mo ng lubak-lubak ang daan Dito at madulas pa kung makapag patakbo ka ng sasakyan mo eh Kala mo naman mauubusan ka ng daan!! Tingnan mong nangyari sakin.." mahabang litantya ko sa kanya.aba walang mudo sya diman lang magawang mag sorry.

"Kaya nga diba Sabi ko nalubak yong gulong ko.magkano ba yang sinasabi mong paborito mong damet?" Wala paring buhay na Sabi nya

"Pwedi naba dyan ang 1000?dugtong nya pa habang kinukuha ang wallet nya sa bulsa ng pants niya at inilabas ang isang libo.

Bigla namang kumulo ang dugo ko.

" Anong tingin mo Sakin? Madadala ng Pera mo??dika man lang ba mag so sorry?" Inis na Sabi ko.

"Diko nga Kasi  kasalanan yon. O ito siguro naman pwedi na yan.kung ayaw mong kunin iwanan mo.basta ko bayad na Sayo." Inis naring Sabi ng unggoy sabay hagis sakin ng Pera na di ko alam kung magkano at tumalikod na para umalis.

Anak ng tinola naman oh..anong tingin nya sakin mukhang Pera.kaya Bago pa siya makalapit ng husto sa kotse niya ay dinampot ko na agad ang medyo may kalakihang sanga ng kahoy at agad na ibinato yon sa kanya.

"Boooggss"(tunog yan ng sanga na tumama sa may batok nya😊)

"Yan ang bagay Sayo,para matuto Kang mag sorry." Sigaw ko sa kanya.

Napahinto naman siya bigla at hinawakan ang batok nya na tinamaan ng sanga.

Syete may dugo..hala Napa lakas ata ang pagkaka bato ko..bulong ko sa sarili ko.

Kinabahan Ako ng bigla syang humarap sakin.ibang iba ang aura niya ngayon kompara knina.

"Look what you did?sa tingin mo maganda yong ginawa mo Sakin?" Galit na tanong nya sakin.

"H- hinde ko yan kasalanan, sisihin mo yong sanga sya ang sumugat Sayo." Kabadong sagot ko sa kanya.

"Wag kang pilosopo dahil hendi Ako nakikipag lokohan Sayo." Kalmado nang Sabi nya habang lumalapit sakin.

"Bakit ginagaya ko lang naman kung pano ka sumagot ah.para kwits na tayo,at saka kung nag sorry kalang sana sakin kanina Hinde sana yan.....

"Hmmmmppp..."nanlalaki bigla ang maganda kong mata dahil bigla ba naman akong halikan ng unggoy na to.ang sakit grabe.tingin ko dumudugo na ang labi ko sa marahas na pag halik niya.

"Ayan kwits na talaga tayo,ang dame mong sinasabe eh." Naka ngiting Sabi ni unggoy at tuluyan ng  tumalikod.
Napatulala nalang Ako habang hinahawakan yong labi ko.

"First Kiss ko yon." Bulong ko sa sarili ko.

"Hoy! Walang hiya ka talaga, bumalik ka Dito!!"sigaw ko sa kanya ng bumalik na ang ulirat ko.pero wala Na naka alis na si unggoy..

"Bwesit ka.... Magnanakaw, snatcher... Mang aagaw ka.para yon sa featured the one ko eh." Sigaw ko parin kahit wala Na yong snatcher.

Maluha luha ko nalang na sinalat ang labi ko.medyo dumugo nga.bwesit na lalaking yon kasumpa sumpa sya promise.

Tatalikod na sana ko para bumalik sa bahay at mag palit ng damet ng mapansin ko yong perang hinagis ni unggoy.isa Isa ko itong pinulot. Isa,dalawa,tatlo....pito. nanlaki na naman ang mata ko.7000 ganun ba talaga sya kayaman para ihagis lang ang 7000.

Well Di na masama,maganda palang sideline tong ganito.magpapa talsik lng ng putik and then bwela may 7000 kana.

kinaltukan ko bigla ang ulo ko sa naisip ko na yon.

"Edi nawala na lahat ng kiss sakin..Wala na nga ang 1st baka pati 2'nd at 3'rd pati last mawala nadin..

The Long Lost Heirs  Of A Muti BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon