Chapter 40 Hoskins is gone!!

3.1K 61 1
                                    

Khendra's POV:

Alam kong lasing nako at wala nang paki alam sa paligid.
Pero nagulat ako ng may bigla nalang humatak sakin at pilit na inilalabas sa lugar na kong saan ay pansamantala akong naging masaya.

Kaya naman tudo ang pag pupumiglas ko nang bigla nalang akong buhatin ng lalaking diko pa nakikita ang mukha.

Nong nabuhat na niya ko saka ko palang nakita ang mukha niya.

Kusang tumulo ang luha ko pagka kita ko sa mukha niya.

Subrang miss na miss ko na pala ang lalaking bumubuhat sakin.

" M- mahal." Mahinang anas ko.

" Shhh... We will go home... You will go home." Sapat na yon para ipikit ko ang mata ko.

Dahil pakiramdam ko ay bigla nalang ako naka ramdam ng antok. Ilang gabi narin kasi akong walang tulog sa kakaisip sa kanya.

Namalayan ko nalang nang lumapat ang katawan ko sa kama.

Andito na ulit ako sa kwarto ng bahay niya.

Naka tingin lang kame sa isa't isa.
Bakit ganon? Puro lungkot ang nakikita ko sa mga mata niya?

" P- pwedi ba tayong mag usap?" Basag ko sa katahimikan.
Ang tagal niya bago sumagot. Humugot pa muna siya ng hangin bago nag salita.

" Just sleep. It's already 2 in the morning and I know you're tired." Sabi niya na tumingin sa ibang deriksyon.

Kanina alam kong lasing na lasing ako. Pero ngayon para akong nabuhusan ng subrang lamig na tubig dahilan para ma himasmasan ako.

" M- mahal mo pa ba ako?" Kinakabahan kong tanong.

Tumalikod siya sakin at sinuklay ng mga daliri niya ang kanyang buhok.

" Mahal mo paba ko?" Ulit ko dahil hinde siya sumasagot. Nag unahan na naman ang mga luha ko. Dina ata ako nauubusan ng luha.

" Matulog kana khendra."  Walang buhay na sabi niya.
Lalo akong napa hagulhol dahil sa sinabe niya. Hinde na mahal ang tawag niya sakin. Wala na, hinde na nga niya ako mahal. Wala nakong halaga sa kanya.

Bigla akong tumayo at hinabol siya nong akmang lalabas na siya ng kwarto.

Mula sa likuran niya ay niyakap ko siya ng Subrang higpit.

" O- okay lang sakin kahit dalawa kame... K- kahit mas mahal mo pa siya kaysa sakin hinde ako mag rereklamo. Kahit... Kahit mag panggap kana lang na mahal mo pa ko... Okay lang yon. Basta wag mo lang akong iiwan!!! Wag ka lang makikipag hiwalay sakin. Please!!!! Please Hoskins!!!" Wag!! Parang awa mo na!!!"  Sa subrang pag iyak ko parang nang hina ang mga tuhod ko kaya napa dausdos ako pa baba at napa luhod sa paanan niya.

Ngayon sa tuhod nalang nya ako naka yakap sa kanya.

Kahit awang awa ako sa sarili ko pero wala akong lakas para tumayo. Hilam na sa luha ang mga mata ng maramdaman kong tinanggal niya ang pagkaka kapit ko sa binti niya.

Lumuhod din siya paharap sakin at tinitigan na naman ako.

Puro nalang ba siya titig, wala ba siyang sasabihin?

Ilang minuto din kame na ganon ang ayos. Panay lang ang iyak ko habang siya naka tingin lang sakin.

Bigla niya akong inalalayan sa pag tayo at tinulongan pa kong mahiga.

Ilang saglit din siyang naka upo lang sa gilid ko at saka niya hinalikan ang noo ko.

" Magpahinga kana." Sabi lang niya at tuluyan na niya kong iniwan.

The Long Lost Heirs  Of A Muti BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon