Khendra's POV:Ayuko na isipin yong mga nangyari kanina basta ako kakain dahil gutom nako eh...
Ayuko muna ma estress.
Mag uusap naman daw kame kaya aantayin ko nalang yong time na yon.
Sa ngayon. Mag papangap muna ako na parang walang nangyari.
Lalo akong naka ramdam ng gutom ng makita ko yong naka hain sa mahabang mesa. Dahon lang ng saging ang ginawang sapin.
Takam na takam na talaga ko. Ang dameng ulam eh. Ang lalaki ng isda na puro inihaw. May bangus, telapya my favorite. At may malalaking alimango pa. At lalo akong naglaway ng makita ko ang hiwa hiwa ng manga na may katabing bagoong. May kamatis din at itlog na maalat.
"Aling karya kakain na po ba?" Magalang na tanong ko. Kasalukuyan siyang nag papaypay sa pagkain para di dapuan ng langgaw.
" Oo ganda, antay lang natin si sir."
Sagot naman niya.Agad kong tiningnan sa pinang galingan ko kanina kung naroon na ba si Hoskins.
Pero naman may kalayuan pa siya at ang bagal pa mag lakad.
Diko na natiis at sinalubong ko na siya.
Mahapdi na talaga kasi ang tiyan ko ng dahil sa gutom." Hoskins.. Hoskins!" Tawag ko habang tumatakbo pa punta sa kanya.
Wag kayo gutom na kasi ako.baka kayo na ang kainin ko dyan.
Nakita kong kunot na ang noo niya habang naka tingin sakin.
Pero patuloy parin ako.
" Hoskins bilisan mo naman. Kakain na tayo. Gutom na gutom na ko eh." Malakas na sabi ko sa kanya habang tumatakbo parin.
" Hey! Don't run." Sabi niya pero di ako nagpa pigil hanggat nasa may harap na niya ko.
Pero putspang sangga na yan. Natisod ako at bumagsak sa langit..
Opo langit.
Langit ang feeling na bumagsak sa matitipunong braso ni Hoskins.
" I said don't run." Sabi niya na parang galit ang tuno.
Pero imbes na mahiya...
" Hahahahaha.. ang bagal mo kasi. Sabi ko naman na gutom nako eh. Tingnan mo, mahina na ang tuhod ko. Hahahahaha."
Tumawa nalang ako ng tumawa.
Ganito talaga epekto sakin ng gutom.
Pero hype na sangga na yan. Sinundan ata ako dito sa hacienda nila Hoskins.
Parang ganon din kasi yong sanga na ibinato ko sa kanya dati.
Ngayon na niniwala nako sa karma.
Pagdating namin sa labas ng mansion nag umpisa na kameng kumain.
Naka paikot kame sa mahabang mesa at naka tayo lang.
Magka tabi kame ni Hoskins at sa kabila ko si aling karya.
Kamayan ang labanan dito. Pero itong isang anak mayaman naka kutsara at tinidor parin.
Budol fight nga diba??
Sunod sunod lang ang subo ko. Mabilis kong ma tangalan ng tinik yong isda kasi naka kamay lang ako.
" Mag kamay kana lang din kasi." Sabi ko sa kanya. Ang arte eh.
" I don't know how to kamay kamay na yan." Parang na iirita na sabi niya.
" Tuturuan kita." Sabi ko sa kanya at inagaw sa kamay niya ang kutsara at tinidor. Napa titig siya sakin pero diko pinansin.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Heirs Of A Muti Billionaire
RomantizmBago nyo po umpisahan ang kwentong Ito, nais ko munang ipabatid sa inyo na marami pong mali dito. Grammatical errors, typos at iba pa. Sana po ay maunawaan nyo parin kahit maraming errors.. Ito po ang kauna unahang story ko at sa mobile ko lang po...