Alyhanna's Pov:Nagulat ako ng maka tanggap ng tawag mula sa baby ko.
Halos maiyak nga ako ng ibalita niya na magpo propose na raw siya kay khendra.
Naisip ko hinde parin pala nasayang yong pag build up ko sa kanila dati.
Akala ko talaga wala nang pag asa pa na muli silang magka balikan.
Siguro bukod sa anak ko, ako yong pangalawang tao na lubos na nagdarasal na magka ayos sila.
Kaya ng tumawag siya ay agad akong lumipad pa puntang pilipinas.
Flashback
" Hello baby nasa bahay nako, asan ka, bat wala ka dito."
Tinawagan ko siya dahil nga sa excited nakong makita siyang muli.
" Mom pa punta ako kila khendra ngayon. Natawagan ko na ang mama niya ang sabi ay ipapa sundo kana lang dyan para sabay sabay na kayong pupunta sa tagaytay. Mauuna na kasi kame doon ni khendra."
" Ganon ba. O sige maghihintay nalang ako ng sundo dito. Mag iingat kayo baby ha!"
" Yes mom kayo din Po. I'll go ahead mom!"
" Okay bye son!"
Umakyat muna ko sa kwarto para makapag palit ng damet.
Nakita ko ang family picture namin.
" Sayang asawa ko, dimo man lang na abutan ang masayang araw nato para sa anak natin. Kung saan kaman ngayon sana nakikita mo parin na masaya na ang anak natin!"
Nagpahid ako ng luha at saka hinagkan ang litrato ng asawa ko.
Matapos kong magbihis ay sakto namang dating ng sundo ko.
Para parin akong nasa ibang bansa ng pumasok ang sasakyan sa malaking gate.
Di nakapag tataka. Isa ngang Vergara ang may ari ng napaka laking bahay nato.
Isang malaking karangalan ang mapabilang ang anak ko sa angkan ng mga Vergara.
Sinong mag aakala na ang babaeng kinuha kung p.a para sa anak ko ay isa palang tagapag mana ng multi billionaire.
Pag baba ko palang ng sasakyan ay napansin ko na agad ang napakaraming body guards.
May lumapit sakin katulong.
" Ma'am tara na po, nag aantay na sa loob sila ma'am Amanda at ma'am Sandra." Sabi nya at iginiya na nya ko papasok.
Nakaka mangha ang kagandahan ng bahay lalo na ang mga mamahaling kasangkapan.
" Kumari, buti naman at nakarating ka!"
Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Ito maharil ang ina ni khendra dahil hawig sila nito.
" Oh mare!" Ganting bati ko rin sa kanya. At nakipag beso- beso sa kanya.
" Ako nga pala si Sandra ang mama ni khendra. Halikana may nag aantay pa sayo bukod kay mommy Amanda."
Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya yon. Pero tanging ngiti lang ang ibinigay niya sakin.
Sino pa kayang nag aantay sakin? Meron paba?
" Mommy, andito na si Kumare." Tawag niya sa isang ginang dahil naka talikod ito samin.
Humarap naman ito samin at napa ngiti ng husto.
" It's nice to see you alyhanna. Salamat naman at nagkita narin tayo."
" Oo nga po ma'am Amanda. Ayuko naman na palagpasin ang masayang araw nato sa anak ko." Naka ngiting sabi ko.at gaya kay Sandra nag beso- beso rin kame.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Heirs Of A Muti Billionaire
RomanceBago nyo po umpisahan ang kwentong Ito, nais ko munang ipabatid sa inyo na marami pong mali dito. Grammatical errors, typos at iba pa. Sana po ay maunawaan nyo parin kahit maraming errors.. Ito po ang kauna unahang story ko at sa mobile ko lang po...