Chapter 57 balita

2.7K 41 1
                                    

Hoskins Pov:

Pangalawang araw ko na ngayon dito sa Cebu.

Umpisa ng dumating ako dito ay tuloy tuloy na ang pag ulan.

Lalo tuloy na dedelay ang trabaho dahil sumisilong ang mga trabahador.

Sa nakikita ko ay talaga ngang kakaposin na kame sa oras. Ang dame pang dapat tapusin. Mga dapat linisin at mga scrap na dapat hakotin na.

Hindi pa din naikakabit yong ibang tiles at kisame.

May kailangan pang baklasin na  tiles dahil mali ang pagkaka lagay nito.

Kahit sabonin ko pa ng tudo ang mga engineer dito ay wala din namang mangyayari. Baka lalo lang tumagal ang trabaho.

Nong bandang 10am na at di parin natigil ang pag ulan ay nagkusa nakong tumulong sa mga ginagawa nila sa labas.

" Naku sir kaya na po namin ito. Baka po magkasakit pa kayo!"

Tiningnan at tinangoan ko lang ang isang labor na nag malasakit sakin.

Sakit?

Tsss ang tagal ko nang gustong nagka sakit pero ayaw naman tumalab sakin.

Yon nga ang gusto ko eh. Ang magkasakit para may chance nakong mamatay.

Hindi ko alintana ang ulan. Maganda din pala ang ganitong trabaho.

Nakaka limot kang saglit. Mas magandang mag banat ng buto dito kesa ang tumunganga lang at manood sa mga trabahador na nagtatrabaho.

Yong ilan na sumisilong ay hinahayaan ko lang.

Mas importante ang buhay nila kaysa sakin.

Sila, alam kong maraming iiyak kapag nawala sila.

Pero ako? Tss si mom lang ata ang iiyak sakin eh. Yong tatlong ungas baka nga kantiyawan pako non kapag nakita nila ko sa kabaong.

" Boss, lunch na po!!" Narinig kong sigaw ng isang engineer.

Tumigil ako sa ginagawa ko.

Gutom na nga ako. Pumunta ako sa grupo nila. May nag abot sakin ng plastic na plato na may lamang kanin at diko alam kong anong ulam yon.

" Pasensya na boos, umuulan kasi kaya yang lang ang ulam!" Hingi niya ng sorry sakin at may iniabot na tabo na may laman ng tubig.

" Ano kaba. Kahit ano pa yan basta nakakain ay maluwag kong tatanggapin yan! Kaya salamat." Sabi ko nalang kaya ngumiti siya.

" Heto po boss, pang hugas ng kamay. Wala po kasing kutsara."

Kaya pala niya ko inaabotan ng tabo.

Naghugas narin ako ng kamay ko at nag umpisa ng sumubo.

Alam na alam talaga ng tadhana kong pano ako asarin. Kahit andito na sa Cebu, gumagawa talaga siya ng paraan para ma alala ko si khendra.

Ang babaeng nagturo sakin kong pano ang mag kamay.

" Akala ko boss hindi kayo marunong mag kamay. Mukhang mas magaling pa pala kayo sakin eh!" Sabi ni engineer Herbert.

" Dahil magaling ang nagturo nito sakin!" Naka ngiting sagot ko sa kanya.

" Halata nga boss, dahil ang husay nyo talaga."

Kailangan pala magkakamay ako kapag kakain. Para nauubos ko ang pagkain ko.

Kinuha ko sa bag ko yong cellphone at nag type ng message.

" Habang kumakain ako ikaw lang ang laman ng isip ko! Dapat pala magkakamay ako palagi para maubos ko ang pagkain ko!! Miss ko na ang luto mo!!! Miss na miss na kita Mahal ko!!!"

The Long Lost Heirs  Of A Muti BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon