Chapter 36 20 nako!

3.3K 53 2
                                    


Khendra's POV;

Ilang araw ding na malagi sa baryo namin si Hoskins.

Kahit nga sa maliit na Sala namin lang siya na tutulog okay lang sa kanya. Wala ako na rinig kahit kunting reklamo galing sa kanya.

Dahil ang gusto niya ay sabay na kame sa pag balik sa Manila.

Ang saya ko lang dahil diko talaga lubos akalain na makaka sama ko siya sa pag salubong ng taon.

Mukhang magandang panimula iyon para samin.

Kung anu-ano nga ang ibinili niya kay lola bago kame umalis eh.

Binilhan niya ng tungkod para daw kapag nakaka lakad na ulit si lola may magamit siya. Binilhan niya din ng electric fan at bagong kutson si lola. Nakaka hiya nga pero nag pumilit talaga sya.

Dahilan niya wala na raw kasi siyang lola. Kaya si lola nalang daw ang lola niya para parehas  kame ng lola.
.
.
.
.
.
.

Lumipas pa ang isang buwan, February na malapit narin ang birthday ko.

Higit sa lahat malapit narin kame maka tapos ng pag aaral.

Makaka graduate narin ako sa wakas.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ako lumuwas ng Manila. Ang makapag tapos ng pag aaral.

At malapit ko nang makamit ang araw na iyon.

" Mahal anong gusto mong gawin natin sa Valentine's day?" Tanong niya sakin. Kasalukuyan kameng nag aaral pareho dito sa kwarto niya.

" Diko alam mahal, kahit dito nalang tayo sa bahay okay lang naman sakin." Sagot ko sa kanya

" Di pwedi yon Mahal, birthday mo din kaya kinabukasan nun kaya dapat mag celebrate tayo at salubongin din natin ang birthday mo." Sabi ulit niya na itinigil pa talaga ang pg babasa at mas lumapit pa sakin.

" Sige mahal, basta wag ka nang gagastos pa ha. Kahit simple lang okay na yon. O kaya kahit ako nalang ang magluto." Sabi ko din

Medyo nag isip siya sa sinabe ko.

" Sige mahal, ano kaya kung doon nalang ulit natin gawin sa hacienda,  doon sa Kubo. Sabay nalang din natin yong  7th monthsary natin. Oh ayan ha tipid na yon Mahal." Mungkahi niya.

" Okay mahal, maganda yon para tipid. Tatlo ang e celebrate natin.pero mahal ayuko na ng mga surprise surprise na yan ha. Baka talaga atakihin nako nyan."

Natawa naman siya sa sinabe ko.
Nagulat ako ng bigla siyang mag picture.

Nitong nakaraang mga araw, napapansin ko na palagi niya ko kinukuhanan ng picture. Baka gagawa na naman siya ng scrap book namin.

Na alala ko tuloy yong scrap book na regalo niya sakin nong pasko. Diko pa pala siya natatanong tungkol don.

" Nga pala Mahal, bakit ang dame mong pictures ko nong gabi ng pageant? At saka may kuha karin pala sakin nong nag ninang ako. Stalker naba kita dati pa?" Tanong ko sa kanya na parang ikinagulat niya.

Ilang segundo din bago siya sumagot.

" Mag papaliwanag ako mahal, basta wag ka munang kumontra okay, dapat patapusin mo muna ko bago ka mag salita." Sabi niya.

Tumango naman ako at inantay yong sasabihin niya.

" Ganito kasi yon.." umpisa niya.

" Napadpad ako non sa maliit na chapel nyo, first time ko lang maka saksi ng binyagan kaya na nood muna ko. Paalis nako ng makita kita. Napansin ko kasi na adik ka rin sa camera kaya kinuhaan din kita ng picture,natawa nga ko kasi nasakto yong pag wacky mo." Dugtong niya.

The Long Lost Heirs  Of A Muti BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon