Chapter 41 Pag Babago

3.3K 53 0
                                    

5 years later

Kendra's Pov:

" Kumusta na yong pinapa trabaho ko sayo?" Tanong ko sa kabilang linya.

" Ma'am hanggang ngayon ayaw parin pong pumayag ng may ari. Pero may naiisip napo akong paraan para maging okay na po ang lahat." Sagot nang nasa kabilang linya sakin.

" Okay. Gawin mo ang lahat. Oras na makuha at mapapayag mo siya. Triple ang idadagdag ko sa bayad mo." Sabi ko nalang.

" Sige po ma'am salamat po." Pagka sabi niya non pinatay ko na ang cellphone ko.

Huminga ko ng malalim.
Sa lahat ng bagay na nasa akin na ngayon. Yon nalang ang tanging gusto kong makuha. At siguro wala nakong mahihiling pa.

Mapa sakin lang yon titigil nako sa kabaliwan ko.

Sa lahat nang nangyari sa buhay ko. Mga pinag daanan na masasabi kong lalong nagpa tatag sakin.
Akala ko noon ako na ang pinaka miserable sa lahat.

But now I have a good and perfect life.
I can be what I wanted to be.

But still I felt betrayed...

Bago maging ganito ang buhay ko, may mga taong nawala sakin.

May dumating..
Pero ang sakit ng mawalan.
.
.
.
"Flashback"

Halos diko maihakbang ang paa ko pa akyat sa bahay nato.

Tumingin ako sa dalawang pintoan na halos magka tapat lang.

Nagpunas ako nang luha ko. Kailangan ko nang tanggapin ang katotohanan.

Binuksan ko na yong kwarto ko dito sa bahay nato.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Iginala ko sa loob ng kwarto ang paningin ko. Ang apat na sulok na to, sigurado ako na kahit saan ako mag punta mananatili ito sa aking alaala.

Inilabas ko na yong bag ko na pag lalagyan ng mga personal kong gamit.

Pili lang ang kinuha ko. Diko na kailangan pa ang mga yon.

Binuksan ko yong drawer sa may tabi nang kama ko at inilabas mula doon yong scrap book na niregalo  niya sakin. Isa isa ko itong binuklat at tinitigan. Tumulo na naman ang luha ko ng makita ko yong picture namin na magka akap.

" Anong nangyari satin? Bakit tayo humantong sa ganito?!" Bulong ko ng mahina at nasabayan ng pag hagulhol.
Ang sakit at parang di ako makahinga. Na ninikip ang dibdib ko sa subrang lungkot.

Pagkatapos kong ilagay sa bag ko yong scrap book. Tumingin ako sa salamin.

Ang tagal kong tinitigan ang mukha ko. At hinawakan yong kwentas na regalo din niya sakin nong 1st monthsary namin.

" I love you mahal" basa ko doon sa naka in grave sa loob ng pendant.

Huling sulyap pa sa boong kwarto at binitbit ko na ang mga gamit ko.

Pero na agaw ng pansin ko ang nasa ibabaw ng center table.

Lumapit ako para tingnan kong ano yon.

Sobre pala at may note na kasama.

Binuksan ko yong sobre.
Nakita ko na pera ang laman non. Ang kapal na tag iisang libo.
Binasa ko yong note.

Tanggapin mo ito. Makaka tulong yan para makapag umpisa ka. At para narin kay lola.

Hoskins

Ibinalik ko yong pera sa mesa pati na yong note.

Wala akong balak na kunin yong pera. Hinde nababayaran yong pag mamahal na inalay ko sa kanya.

The Long Lost Heirs  Of A Muti BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon