Enosh Pov:Andito kame ngayon sa bahay ni Cassy. Disco party, bwelo kasi nasa London mga magulang nya. Parehas sila ni Hoskins mga nasa abroad ang magulang kya kong mag waldas ng pera eh wagas.
Kaya lang umpisa ng dumating itong lalake na to galing sa baryong dinayo niya,parang ang laki ng pinag iba niya. Di kaya na nuno ito doon? Palagi nalang kasing tahimik dinaig nya pa si Kenneth. Alam ko na tahimik siya at seryoso palagi pero iba talaga ngayon eh.
" Hi babe!" Malanding bati sakin ni.... Sino nga ba to? Jessica,jessy o Jess.ai ewan Basta c j.
" Oh hi babe," bati ko rin sabay kintal ng halik sa mga labi niya.
Pinulupot naman niya agad ang kanyang mga braso sa leeg ko.
Girls girls girls...hahaha alam na alam ko na ang mga ganitong klase ng babae." You two,get a room!!" Naka simangot na sigaw samin ni Kenneth.hahaha inggit lang yon eh wala siyang chicks.
" Babe,room daw oh sabi ni Kenneth." Malanding turan ni Jess.pina pungay pa talaga ang mga mata.
Shite mapapalaban pa ata ako ngayong gabi ah..Tumayo ako at hinatak na siya pa punta sa itaas na bahagi ng bahay nila Cassy. Bahala na kung aling kwarto dito ang gamitin namin.
Hoskins Pov:
Nakita kong hila hila na ni Enosh yong babae niya papunta sa itaas. Napa iling nalang ako.
Nakita kong papunta sa kinaroroonan ko si Cassy.
" Darling nakita mo ba yong dalawa? Buti pa sila, kaka inggit naman." Naka ngusong sabi niya sakin.
" Sundan mo para dika mainggit." Inis na sabi ko sa kanya. Sanay naman na yan sa ugali ko eh. Umpisa palang masungit nako sa kanya. Kulit kasi niya eh.
"Darling naman eh Di kana mabiro. Joke lang yon syempre,saka gusto ko kaw lang ang kasama ko noh." Lambing niya sakin sabay pulupot ng kamay niya sa braso ko.
Hinayaan ko nalang total birthday naman niya eh."Tara sayaw naman tayo. Dimo pa ko isinasayaw umpisa kanina eh." Aya niya sakin sabay hila na ng kamay ko.
Wala nakong nagawa. At dahil nga birthday niya kaya pag bigyan ulit.Nakahawak ako sa beywang niya at siya naman ay naka pulupot ng tudo sa leeg ko.
Iniwas ko sa kanya ang paningin ko. Alam kong inaakit niya lang ako pero sorry nalang talaga sya.diko siya type.
Halos lahat ng sumasayaw dito mga nagla laplapan. Sabagay di naman na sila Minor. Halos mga pa 20 years old narin naman sila.
Nagulat ako ng bigla nalang akong halikan ni Cassy. Ginawa ko ang lahat para matigil yong halik.at nag tagumpay naman ako.
" Ano bang ginagawa mo cassy?!" Galit na tanong ko sa kanya.
"Sorry darling nadala lang ako sa kanila eh." Naka ngiting sagot niya habang itinuturo ang ibang sumasayaw na nag hahalikan.
Napa hawak nalang ako sa batok ko sabay buntong hininga.
" Uupo nalang ulit Ako." Seryosong sabi ko. At iniwan na siya sa gitna ng sayawan.
" Sorry na nga eh, hoy Hoskins ano ba? Kiss lang naman yon ah." Sabi niya at hinabol ako.
Pagka rinig ko sa sinabe niya.agad kong naalala si daldalera.. tsss iba-iba talaga ang mga tao. Kung kay cassy wala lang sa kanya ang kiss, ibang iba naman sa babaeng yon. Parang tudo hinayang siya nung nakuha ko ang first Kiss niya.
" Darling sorry na ha. Promise nadala lang talaga ko." Si Cassy ulit na nasa tabi ko na pala.
" Stop cassy.. wala akong paki alam sa kiss na yon. Ang akin lang igalang mo naman yang sarili mo. Ka babaeng tao mo Ikaw pa ang nauunang mang halik sa lalake."
BINABASA MO ANG
The Long Lost Heirs Of A Muti Billionaire
RomanceBago nyo po umpisahan ang kwentong Ito, nais ko munang ipabatid sa inyo na marami pong mali dito. Grammatical errors, typos at iba pa. Sana po ay maunawaan nyo parin kahit maraming errors.. Ito po ang kauna unahang story ko at sa mobile ko lang po...