Chapter 52 Hinala

2.9K 43 0
                                    


Hoskins Pov;

" Kailangan mo ba talagang pumunta ng mag isa sa Cebu mahal? Pweding pwedi naman kitang samahan kong gusto mo?"

" No need mahal, mga 1 week lang naman ako doon eh. Saka dito kana lang para may titingin parin sa anak natin kapag wala ako."

Dapat pala kasi sinabi ko na sa kanya na company ko ang contructor ng project niya sa Cebu. Kaya lang baka masira ang plano ko na pag surprise sa kanya.

Gusto ko kasi na kahit mas triple pa ang yaman niya sakin, maipag malaki parin niya ko.

" Basta lagi ka mag iingat ha. Saka tatawag karin kaagad kapag nagka problema ka. Okay?"

" Okay mahal, ikaw din mag iingat kayo ng anak natin. At wag kang titingin sa ibang babae habang wala ako ha. Lagot ka talaga sakin."

Amasona na nga talaga siya ngayon.

" Bakit mahal, anong gagawin mo sakin?!" Tanong ko.

" Wala naman, puputotalan lang kita ng kaligayahan mo!"

Grabe dapat pala di nalang ako nag tanong.

" Di mangyayari yon Mahal, dahil mag lalagay ako ng piring habang wala ka! Tatawag din ako ng madalas sayo." Naka ngiting sabi ko.

" Maganda kong ganon. O sige na mahal, baka iwanan nako ng eroplanong sasakyan ko pa Cebu."

Matapos niyang humalik sakin ay umalis na siya. Wala akong nagawa kundi ang kumaway nalang sa kanya.

Ngayon nalang ulit siya malalayo sakin.

Parang ang tagal ng isang linggo.

Kailangan ko nga palang matawagan ang site sa Cebu. Di nila pweding bangitin ang pangalan ko kapag andon na si khendra.

Isang buwan at kalahati nalang ikakasal na kame. Naka ready na ang lahat at ang araw nalang ng mismong kasal namin ang inaantay.
At dalawang linggo lang matapos ang kasal namin ay siya namang turn over ng KMV kila khendra.

At sa tingin ko kaya siya pumunta sa Cebu para personal na makita yong ginagawang project doon.

Umuwe muna ko sa bahay para makapag palit ng damet. Diko naman inasahan na darating yong tatlo, kasama pa si cassy.

" Wats up dude? Balita ko single ka ngayon ah?!" Sabi agad ni Enosh

" Single ka dyan, pumunta lang ng Cebu si khendra single agad." Supla ko kaagad sa kanya.

" Anong feelings ng malapit ng ikasal bro?"

Tanong ni Angelo na umakbay pa kay Cassy. Mukhang may balak narin silang sumunod samin ni khendra.

" Excited, masaya. Mag propose kana rin kasi kay Cassy para alam mo rin yong nararamdaman ko ngayon."  Pang iinggit ko.

Lumapit siya sakin at bumulong.

" Baka kasi hinde tanggapin kapag nag propose ako?"

Napa ngiti ako. Ganyan din ang naisip ko nong binalak ko ng mag propose kay khendra. Dahil kahit na may anak na kame dipa rin ako sigurado kung ako talaga ang gusto niyang maka sama habang buhay.

" Dimo yan malalaman tol hanggat hindi mo sinusubukan. Pero dapat kikiligin muna siya para hinde na maka tanggi pa." Payo ko at parang napa isip siya bigla.

Mukha ngang may balak narin siyang lumagay sa tahimik ah.

" Kayong dalawa nagsasarili na naman kayo. Share naman dyan." Sigaw samin ni Enosh.

Itong lalaking to dapat ang mas kailangan nang lumagay sa tahimik. Para hinde na makapag hasik pa ng kamandag sa mga kababaihan.

" Pinag uusapan lang namin ni Angelo kong kelan nyo balak mag girlfriend ni Kenneth." Sabi ko na may ngiting pang asar.

The Long Lost Heirs  Of A Muti BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon