Hoskins Pov:Pagdating dito sa bahay ko humarap agad ako sa computer. Copy paste ko lahat ng picture na kuha sa brgy. Pinagpala.
At ipinost sa fb ko.
Naalala ko na nagpapa tag nga pala sila Francis at Carlo." Hmp,bahala kayo." Naka ngiting bulong ko sa sarili.
May dahilan naman ako eh,diko naman sila friends sa fb at diko naman ugaling mag add friend noh.Naligo muna ko bago matulog.sigurado kasing gagala na naman kame mamaya ng tropa ko. Panigurado na miss ako ng mga yon.
Naalimpungatan ako ng may marinig akong ingay na nang gagaling mismo sa kwarto ko.
"Teka, ano ba yon? istorbo naman eh sarap kaya ng tulog ko." Dahan- dahan kung minulat ang mapupungay kung mata.
Blink-blink blink.at isa pa ulit na blink.
" Surprise!!!!" Magka panabay na sigaw sakin ng tatlong ugok. At pinag babato ako ng mga unan ko mismo.
" Hoy!! Mag sitigil nga kayo." Sabay ilag sa mga unan.
" Ano ba? Istorbo kayo ha natutulog pa nga ang tao eh. Lamabas nga kayo sa kwarto ko.!!" Bulyaw ko sa kanila na tina tawanan lang ako. Mga sira ulo talaga.
" Bumangon kana dyan lover boy,dame mong dapat ipaliwanag samin." Turan ni Angelo na tumigil na sa pag hagis sakin ng unan.
" Teka,anong ipa paliwanag ko sa inyo? Ano kayo nanay ko?" Kunot noong tanong ko sa kanila.
Sumersoyo naman ang tatlong bugok." Sino yon ha? Sino yon? Ikaw sino-sulo mo lang ang grasya dimo man lang samin e share." c Enosh na siyang pinaka babaero sa lahat ng babaero.
" Anong grasya ba ang pinag sasabe mo dyan. Dipa nga ko kumakain dahil naka limotan ko tapos magshare pa sa inyo. Kung gutom kayo pumunta kayo sa kusina.hanapin nyo si Manang Sonia at don kayo mang buraot." Masungit naman na sabi ko.istorbo eh mga gutom lang pala dito pa sa kwarto ko mang buburaot.
Anong tingin nila sa kwarto ko kusina?" Hinde yan ang tinutukoy nila. Yong ipinost mo kanina, yon ang tinutukoy ng mga yan." Paliwanag ni Kenneth na siyang pinaka tahimik sa aming apat.
" Oh ano namang Meron sa ipinost ko?" Walang buhay na tanong ko.
Nagkatinginan lang silang tatlo na animoy nagtataka.
"Dimo paba binubuksan ulit fb mo?" Seryosong tanong ni Kenneth.
Nagtaka naman ako.
" Dipa,eh nakatulog nako kanina pagka tapos kong ipost yon eh.bakit ano bang Meron don?tanong ko.
" Ah siguro nakita nyo yong Tuba no.? Oo masarap nga yon first time ko nga lang din maka tikim nun.yaan nyo pag umuwe ulit si mang cardo sa kanila papa bili tayo.para naman hinde kayo nagkaka ganyan." Mahabang dugtong ko.
Mga adik kasi yan sa alak eh.
Wala nang ibang ginawa ang mga yan kundi uminum." Hinde yan tol..yong chicks ang sinasabe namin.ang daya mo eh dimo man lang kame sinama sa PINAGPALA. Ganda pala ng chika babes don at ang seksi pa." Si Enosh na umandar na naman pagiging manyakis.
" Grabe tol pina ingay mo lahat ng fb friends mo don sa post mo na yon.sino ba yon ha? Naka iskor kaba? Sayang naman kung pinalagpas mo pa Ang isang yon." Sabi ni Angelo na tsimoso.daldal talaga ng lalakeng to.
" Diko alam pinag sasabe nyo." Sabi ko nalang sabay tayo at dumeritso sa Cr na nasa kwarto ko.
" Buksan mo nalang kasi account mo para malaman mo." Habol pa sakin ni Angelo.
Ano kayang sinasabe nila? Kaya naisip kong buksan ang laptop ko na nka patong sa center table ng kwarto ko.
Nakita ko c Kenneth na tahimik lang at naka dapa sa kama ko.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Heirs Of A Muti Billionaire
RomanceBago nyo po umpisahan ang kwentong Ito, nais ko munang ipabatid sa inyo na marami pong mali dito. Grammatical errors, typos at iba pa. Sana po ay maunawaan nyo parin kahit maraming errors.. Ito po ang kauna unahang story ko at sa mobile ko lang po...