Khendra's POV:
"Mahal, halika kana, handa na ang dinner." Aya ko kay Hoskins na lagi nalang nasa kwarto niya.
" Mauna kana lang, dipa ko nagugutom." Mahinang sabi niya.
Natigilan ako dahil madalas na siyang ganyan. Lage wala sa mood. Para ngang ayaw na niya ko makasama eh.
" Ganun ba, sige dadalhan nalang kita dito sa kwarto mo." Sagot ko.
" Wag na, si fati nalang ang uutosan ko kapag nagutom ako." Walang buhay na tugon niya.
" sige kong yan ang gusto no." Sagot ko at lumabas na sa kwarto nya.
Mag isa Kong kumain. Lagi nalang ganito. Naisip ko nga na baka nag sasawa na siya sakin.
Minsan nga kahit nagkaka salubong kame dito sa bahay nila diman lang nya ko pansinin. Parang walang nakikita.
Nasasaktan nako sa ginagawa niya pero diko naman masabe sa kanya.
Bukas nga pala umpisa na ng ojt ko sa isang hotel dito sa Manila.
Siya ganun din siya pero magka iba kame. Engineering kasi ang course niya.
Pagka kain ko binilin ko nalang kay fati na tanongin nalang niya si Hoskins kung gusto ng kumain.
Matutulog nalang ako ng maaga para maaga rin bukas. Kailangan ko pa muna kasing pumunta ng school bago doon sa hotel.
Kinabukasan, ihahanda ko na sana yong susuotin ni Hoskins pero pag pasok ko sa kwarto niya naka ready na sya.
" Ready kana pala. Sige mag hahanda narin ako." Sabi ko nalang at tumalikod na.
" Bilisan mo lang dahil ayuko ma late ngayon." Biglang sabi niya.
Diko nalang pinansin at tumuloy nako sa kwarto ko para mag handa.Pag baba ko naka kunot na naman ang noo niya habang nag hihintay.
" Sabi ko bilisan eh!" Inis na sabi niya at saka pa dabog na sumakay sa kotse.
Mag katabi kame dito sa unahan ng sasakyan niya. Sya kasi nag drive ngayon dahil dadalhin niya itong kotse nya sa company na pag o ojt han niya.
Gaya nong mga naka raang araw naka salpak lang ang Headset nya at di man lang ako kinaka usap.Naka rating kame sa school na walang imikan, sabay kameng naglalakad sa Hallway. At nong mag hihiwalay na kame ng daan bigla akong humarap sa kanya.
" Good luck Mahal, mag iingat ka." Mahinang sabi ko sabay halik sa pisnge niya.
Inantay ko ng kunti yong response niya pero nong wala parin tumalikod nako.
" Mag iingat ka rin, mahal!" Napa hinto ako bigla ng marinig ko yong sinabe niya. Pero diko na siya nilingon at nag tuloy na sa pag lalakad ko sabay punas ng luha ko na basta nalang tumulo.
After namin makinig ng mga bilin nang prof namin, sabay sabay na kameng pumunta doon sa service na mag hahatid samin. Hinati kameng magka klase sa tatlong hotel, buti nalang at kasama ko sila cloe at Jake.
" Khendra, may problema ba kayo ni Hoskins? Napapansin kasi namin nitong nakaraang mga araw, dina kayo kagaya ng dati. Nag away ba kayo?" Bigla nalang tanong sakin ni Cloe, napapa gitnaan kasi nila ko ni Jake dito sa sasakyan.
Humugot muna ko ng hangin bago sumagot.
" Diko alam Cloe, basta nalang siya nagka ganon. Iniisip ko nga kong may nagawa ba kong kasalanan sa kanya. Pero wala eh."matamlay na sabi ko.
"Hayaan mo muna siya ngayon, baka may gumugulo lang sa kanya." Biglang sabi ni Jake.
" Oo nga, hayaan mo nalang muna. Pero subukan mo rin siyang tanongin kung anong problema niya." ~ cloe
BINABASA MO ANG
The Long Lost Heirs Of A Muti Billionaire
RomanceBago nyo po umpisahan ang kwentong Ito, nais ko munang ipabatid sa inyo na marami pong mali dito. Grammatical errors, typos at iba pa. Sana po ay maunawaan nyo parin kahit maraming errors.. Ito po ang kauna unahang story ko at sa mobile ko lang po...