Amanda's Pov:Lolan kame ngayon ng eroplano na mag hahatid samin pabalik ng Manila.
Sinulyapan ko ang batang natutulog nang mahimbing.Hinahawakan ko ang munting kamay niya at pinisil pisil.
Akala ko nong dumating ang apo kong si khendra pwedi nako mamatay.
Pero nagbago ang lahat ng dumating itong munting anghel.
Nagkaroon ako ng panibagong lakas ng loob para mas tumibay.Gusto ko pang maging bahagi ng buhay niya.
Laking pasasalamat ko nang magising na si Sandra yon pala ang pangalan niya.
Flashback
"Ma'am gising na po yong babae." Balita sakin nong isang bantay na itinalaga ko sa kanya.
Agad akong pumasok sa kwarto kong saan siya naka confine.
Nadatnan ko siyang nagwawala at isinisigaw ang pangalan ni Alexander. Ang nag iisa kong anak.
" Sagotin nyo ko. Nasaan si Alexander? Nasaan siya?" Paulit ulit na tanong niya. Di malaman ng mga nurses kong panong pag papakalma ang gagawin sa kanya.
Inutosan nang doctor yong isang nurse na kumuha ng pampatulog.
Kaya agad akong nakiusap sa kanya na wag nang patulogin yong babae.
Natatakot kasi ako nun na baka dina naman siya magising.
Nilapitan ko siya at hinawakan sa kamay.
" Iha, ako si Amanda, ako ang mommy ni Alexander." Pakilala ko sa kanya.
Natigilan siya nang marinig ang pangalan ko." Anong nangyari? Bakit wala dito si Alexander?" Mahina niyang tanong na naka titig sakin.
" Huminahon ka muna iha. Handa akong sabihin sayo ang lahat." Sabi ko para pumanatag siya.
Iyak siya ng iyak nang sabihin ko sa kanya na wala na si Alexander.
" Ang anak ko? May anak ako! Kailangan kong makita ang anak namin ni Alexander!!" Bigla na naman siyang pumalahaw ng iyak.
Yong matagal ko nang pinapahanap makikita ko narin.
" Palakas ka muna iha para makita at mapuntahan mo na ang anak mo, ang apo ko!" Sabi ko na diko na mapigilan ang tuwa. Napa yakap ako sa kanya ng mahigpit.
" Salamat sa diyos at nagising kana. Aayusin natin ang lahat. Pangako yan." Sabi ko sa kanya.
Nang may sapat na siyang lakas agad siyang nag desisyon na pumunta sa lugar nila. Kahit gusto kong sumama dina lang. Dahil alam kong para muna yon sa buong pamilya niya.
Na ngako naman siya na babalik sakin at dala na niya ang apo ko.
Kaya nang tumawag siya para sabihin na babalik na sila agad ko silang pinasundo sa mga body guard niya. Pinabalik muna kasi ni Sandra ang mga ito dahil naiilang siya sa mga kapit bahay sa baryo niya.
" Bilisan ninyo ang kilos nyo. Malapit nang dumating ang apo ko. Kailangan malinis ang lahat ng sulok." Utos ko sa mga katulong. Kahit araw araw naman nililinis ang mga to gusto ko parin maka sigurado.
Pumunta ako sa kusina kong saan nagluluto ang chef dito sa bahay.
" Okay naba ang lahat? Tingin mo magugusatohan ba yan nang apo ko?" Tanong ko sa kanya.
" Sa tingin ko po madam dahil ang mga niluto ko po ay talagang mga special." Sagot niya sakin.
" Sige paki ready mo nalang lahat. Dahil malapit na raw sila." Sabi ko ulit.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Heirs Of A Muti Billionaire
RomanceBago nyo po umpisahan ang kwentong Ito, nais ko munang ipabatid sa inyo na marami pong mali dito. Grammatical errors, typos at iba pa. Sana po ay maunawaan nyo parin kahit maraming errors.. Ito po ang kauna unahang story ko at sa mobile ko lang po...