“Revenge is not worthy of you. If you concentrate on revenge, you will keep those wounds fresh that would otherwise have healed.”
― Adeline Yen Mah, Chinese Cinderella and the Secret Dragon Society
Dedicated to CutieMolly thanks sa votes mo sana mag comment ka naman xD kahit panlalait okay lang LOL
Maxine's POV
*Yawn*
Isang magandang umpisa sa isang chapter.
Haaayyy.. nasa bahay lang ako kasi gaya nga ng nangyari suspended ako. Kaya heto ako sa dorm namin.. nagmumukmok at nag iisip ng paraan paano makuha ulit si Kiel.
"Hay anghirap namaaaan !" sigaw ko habang nakahiga sa kama.
*RIIINNNGGG RRRIIINNNGGG*
Nagulat ako sa pagtunog ng CP ko,
"Tsk !" binato ko uli sa tabi ko ang cellphone ko matapos makita kung sino ang tumatawag.
Si Jockas..
Mula nung pag uusap namin dini-deadma ko na sya. Di ko alam kung nabanggit na ba nya kay Nicole ang mga sinabi nya sakin pero ramdam ko ang pagkailang ni Nicole sakin.
Nagmu muni- muni lang ako kaya di ko namalayan na nakatulog pala ako.
2pm ng magising ako dahil sa katok sa pinto namin.
"Nanjan-- tsk ! nanjan na ! " sigaw ko tapos ay pumunta akong pintuan para pagbuksan kung sino man yung tao. Nakahawak ako sa ulo ko kasi madalas pa din syang sumasakit. Minsan iniinuman ko ng pain reliever pero kadalasan tinutulog ko na lang.
*Tok Tok*
"ANJAN NA SABI EH !" sabi ko tapos ay binuksan ko ang pinto.
Nagulat ako sa LALAKING niluwa ng pintoan.
Ang lalaking unang minahal ko..
Ang nangakong di ako papabayaan at hanggang ngayon tinutupad yon..
"PAPA !!!" sigaw ko tapos ay niyakap ko sya
"AHAHHA anak pedeng pumasok muna ?" biro nya sakin.
"Ay sorry naman po hhehehe pasok kayo.. pasensya na magulo sa bahy. busy kasi si--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita si Papa.
"Ayos lang, Anak. Pasensya na" di gaya kanina, seryosong seryoso si Papa ngayon.
"Wala po kayong kasalanan,Pa." sabi ko naman
"Alam ko na lahat ng nangyari sayo.. Nanggaling ako sa school nyo kanina pero sabi sakin ni Nicole suspended ka daw, ayos ka lang ba,anak? may problema ka ba?" seryosong tanong nya ulit.
Di ko alam pero nung sandaling lumapat ang kamay ni papa sa balikat ko bigla na lang umagos ang luha ko..
Para akong paslit na nagsusumbong sa tatay ko dahil inagawan ako ng candy..
Kinwento ko lahat kay Papa.. Pamula sa break up namin ni Kier hanggang sa nangyari sa party.
"Kasalanan ko to. dapat di kita hinayaang mag isa" sabi nya habang umiiling.
"Pa, wala kang kasalanan.. besides never nawala si Nicole sa tabi ko.."
"Talaga ? mukhang di kayo mapapaghiwalay ng kaibigan mo ano.?" sabi nya na nakangiti.
Tumigil na din ako sa pag iyak.
"Oo naman Pa walang makakapag pahiwalay samin !" masiglang sagot ko.
"Ganyang ganyan ang Mama mo noon pati ang best friend nya.. Dati." Bigla namang lumungkot si papa.
"Talaga Pa ? may bestfriend si Mama?? " tanong ko. Nag nod naman sya
"Pakwento naman po eheheh" tapos nagkwento nga sya
BFF daw pala ni Mama si Elise kaso.. dahil sa kanya nasira ang friendship nung dalawa. Minahal daw kasi nung Elise si Papa kaso akala nya pinaasa sya ni Papa kaya ng maging si Mama at Papa nagalit to sa kanila at di na nagpakita pa.
"Oh.. bat parang nalungkot ka ?" sabi ni Papa sakin.
"a-ahh wala po eheheh" Pero ang totoo natakot ako,.
Paano pag malaman ni Nicole na gusto ako ni Jockas ?
Baka magalit sya sakin at..
"TITOOOOO" nagulat ako ng bumukas ang pinto at iluwa non si Nicole.
Nag kwentuhan lang kami hanggang sa maghapunan na kami.
DSito daw muna si Papa hanggang X-mas kaya medyo nababawasan ang lungkot ko kasi alam ko may nadagdag sa kakampi ko ^__^
Doon ako natulog sa kwarto ni Nicole. dito kasi ang isang room parang maliit na bahay. May 2room kasi 2 lang kami.
"hmm.. Max. May chance ba na magustuhan mo si Jockas ?" nagsusuklay ako ng buhok ko ng tanungin nya yun.
"B-bakit mo naman natanong ?" nag-aalala kong tanong. Naalala ko kasi yung kwent ni Papa, ayokong maging ganun ang kahinatnan namin ni Papa.
"wala lang.. nadinig ko kasi yung pag uusap nyo non. Alam ko na.. mahal ka nya" Bigla syang napayuko pagtapos nyang sabihin iyon.
"Nicole.." hinawakan ko naman sya sa balikat.
"Hindi ! ehhe okay lang... kung gusto mo sya. Mas maganda nga yun diba ? atleast magiging ok ka na" pinilit nyang pasiglahin ang boses nya pero halata pa din na malungkot sya
"Hindi Nicole.. alam kong mahal mo sya.. Isa pa di pa ako handang magmahal ulit."
Pagkatapos nun nag usap pa kami saglit at natulog na.
Kinabukasan.. ibang iba ang araw ko.
Bukod sa nandito si Papa sa dorm. Hindi ko din masyadong maiangat ang ulo ko dahil parang binibiyak.
Maya maya pa nawala din kaya naman pumasok na ako.Oo tapos na ang suspension period ko.
"Una na po kami,Tito." sabi ni Nicole habang nag aayos ng gamit.
"Sige mag iingat kayo, Lei.." baling nya sakin
"Yes,Pa?"
"Be a good Girl,again. Okay ?" Nginitian ko na lang si Papa tsaka ko humalik sa pisngi nya
"Una na po kami.." sabi ko tsaka lumakad palayo. Ng hawak ko na ang dorrknob biglang nagsalita si Papa
"Revenge will not make you happy, it will just worsen the pain..learn to forgive, accept then move on" sabi nya bago tumayo at pumuntang kusina.
Nagkatinginan naman kami ni Nicole tsaka sya ngumiti.
Yan ang gusto ko kay Nicole.. Di nya ipipilit pag ayaw mo pero pag mali ka ng desisyon mo.. nasa tabi mo lang din sya.
Nag commute na kami papasok ng school.
Nag kwento lang sya sa mga nangyari sa school habang wala ako.
Ng pababa na kami nakita ko si 'Ms.Black' na naglalakad pero panay ang lingon sa likod.
"Baka hinahanap ka." nagitla ako ng magsalita si Nicole.
"baka nga" sabi ko
Lalapit na sana kami ng may biglang humablot sa braso ni 'Ms.Black'.
Si Kier.. Pero nagtataka ako kasi mukha syang galit. pero si ms.Black, wala pa ding reaksyon.
Pero bakit magkakilala sla..
Lalapit pa sana kami ng may sinabi si ms.black kaya tulalang nabitawan ni Kier ang braso nya.
Ngumisi pa muna sya kay Kier bago lumakad palayo.
Author's note:
Simula last chapter umpisa na ng revalation kaya humanda na kayo ^o^
Vote and COMMENT!!
BINABASA MO ANG
Revenge with Mr.Ex [ COMPLETED ]
Romance“Revenge is Always Sweet, it's the Aftertaste that's Bitter.” ― Joshua Caleb --- Copyright © 2014 by monektotx stories All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or b...