Dedicated to you, salamat sa pag follow. I wil try to update this if may time, medyo mahihirapan lang ako mag UD kasi dalawa silang i-ai-update ko tapos walang time tapos nagbabasa pa ko pero matatapos din 'to. Sana lang comment naman kayo. Gumagalawa kasi 'yung reads tapos kahit votes or comment wala :'(
Maxine Lei Perez ang Kier Allen Mariano on the side
Nicole's POV
Pagkauwi namin galing ospital, pinilit naming maging normal sa harap ni Max. Kapag nakikita n'yang nag-iisa kami, lalapitan n'ya kaagad kami at kakausapin. Ang hirap lang na magpanggap na okay ang lahat sa gan'tong sitwasyon, napakahirap.
"Oh, malayo na naman ang iniisip mo," Nagulat ako ng tumabi si Max sa'kin. Nasa kwarto kasi ako at nag-iisip ng mga bagay bagay. Wala pang isang taon, ang dami ng nangyari.
"AH, wala naman. Bakit ka pala nandito ? Diba sabi naman sa'yo, dapat magpahinga ka lang?" Ngumiti naman s'ya at saka ko niyakap.
"Gusto kong dito matulog. Pwede ba ha?" Nginitian ko naman s'ya at niyakap din. Naglalambing ang bestfriend ko, ang kapatid ko sa ibang nanay at tatay. Ang tagapag pakopya sa'kin.
"Syempre naman, pwedeng pwede. Uminom ka na ba ng gamot mo?" Tumango naman s'ya kaya nag ayos na kami ng sarili tapos nahiga na din kami.
"Pwede ba na.. 'wag mong patayin ang ilaw?" Tinignan ko naman s'ya. Diretso lang s'yang nakatingin sa kisame.
"Bakit naman? Diba 'di ka nakakatulog 'pag maliwanag?" Umiling lang s'ya.
"Gusto ko kasing masubukan lahat. Lahat ng 'di ko nagawa noon, gusto ko magawa ko. Kahit maliliit na bagay lang, gusto ko maranasan ko. Ang makipagsiksikan sa MRT, ang tumakbo dahil late na, ang mabasa ng ulan. Gusto kong maranasan 'yung mga ganoon." Nkangiti n'yang sabi.
"Bakit naman ? Ikaw talaga. Matulog na nga tayo." sabi ko tapos tumalikod na ko sa kanya. Hindi ko na kasi kayang pigilan ang luha ko. Pakiramdam ko, anumang oras, papatak na ang mga luha ko. Habang naiisip ko ang hahantungan ni Maxine, nagsisikip ang dibdib ko. 'Di ko na napigilan pa, kagat kagat ko na ang labi ko para mapigilang gumawa ng kahit anong ingay habang umiiyak. Nag tataas baba na din ang balikat ko pero 'di ko 'yun magawang kontrolin. ANg sakit sakit na ng mga nangyayari.
"Shhh.. tahan na,Nics. 'Wag ka nang umiyak." nagulat ako ng yakapin ako ni Maxine. Humarap ako sa kanya matapos punasan ang mga luha ko.
"Maxine. Sorry ha. ANg weak ko." Tumawa lang s'ya ng konti tapos nakatulog na din kami.
Kinabukasan**
"Oh, Nicole. Akala ko ikaw ang nagluluto ng almusal." Gulat na sabi Ni Tito Leo pagkababa koo ng hagdan.
BINABASA MO ANG
Revenge with Mr.Ex [ COMPLETED ]
Romance“Revenge is Always Sweet, it's the Aftertaste that's Bitter.” ― Joshua Caleb --- Copyright © 2014 by monektotx stories All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or b...