dedicated to
Pls vote and comment.
“When you begin a journey of revenge, start by digging two graves: one for your enemy, and one for yourself.”
― Jodi Picoult, Nineteen Minutes
Maxine's POV
"Oh Max san ka pupunta ? di ka pa ayos ah!"
"Asan yung bag ko Nicole ?! Nasan !" hinalughod ko din ang kwarto ko habang tinatanong si Nicole
Taka naman syang nakitulong sa paghahanap..
"E-eto ba ? etong bag na to ba ?"
Pagka abot nya ng bag sakin ay agad kong hinanap ang note na binigay sakin ng babae.
"Ano bang hinahanap ko jan Max.. magpahinga ka na lang pwde ?" sabi nya.
"eto nakita ko na" Sabi ko sa kanya habang pinapakita ang note na sinilid ng babae
"A-ano naman yan.. teka nababaliw kana ba?" kita naman sa mata nya ang takot at pag aalala.
"Eto yng first step" sabi ko habang nakatingin sa note at lipat ng tingin sa kanya.
"W-wag mong sabihing---"
"Oo nicole.. gagawin ko" Nakangiti kong putol sa nais nyang sabihin
"baliw kana" ahina nyang bulong pero dinig ko pa din.
"Gagawin ko to Nicole para sa anak KO ..na pinatay NILA"
Nagpailing iling pa sya habang nakatingin sa kin na wari mo ay di makapaniwala.
"Pero di mo kailangan maghigante.. alam mo naman ang salitang karma diba?!"
Napa ngisi ako sa sinabi nya.
" so ang nangyari sakin pwede ko bang tawagin na 'karma' ?"
"h-hindi pero.. Matakot ka naman sana sa Diyos Max !"
Natawa pa ko ng kunwari..
"Diyos ? meron ba nun ? nagpapatwa ka Nicole.. nagpapatawa ka" Sabi ko sa kanya na mukhang di makapaniwala sa mga sinasabi ko.
"di na kita kilala Max..hindi na ki---" pinutol ko uli ang dapat sasabihin nya.
"Ako pa din to,Nicole.. Natuto lang ako."
Agad naman syang lumabas ng silid at padabog na sinara yun.
Soryy Nicole.. Sorry.
Pero para sakin mas nangingibabaw ang paghihiganti sa kahit ano pa.
Kahit sa sarili ko pa..
Nang maalala ko ang note agad kong binasa ang nakasulat dun..
'Step #1: Know your purpose..its either to hurt him..or to have him back.."
- If you choose the first option then I'll help you.. but if you choose the 2nd, sorry but I can't help you with that.
Napangisi ako..Masyado atang obvious ang first step..
Gusto ko na masaktan sya.Masaktan SILA...
Maaga na akong natulog pagkatapos nun..Kailangan kong pumasok bukas para malaman ko agad ang next step..
K I N A B U K A S A N
"Kumain ka na.. nakahanda na ang almusal."
Walang emosyong sabi sa akin ni Nicole.
Naupo naman ako at nagsimula na din kaming kumain. Walang imikan kaming natapos pero kailangan ko syang kausapin.
Agad akong sumunod sa kanya ng ilalagay na nya sa lababo ang napagkainan namin.
"Hmm Nicole..sorry nga pala sa kag--"
Napahinto naman ako sa pagsasalita ng humarap sya sakin at bigla akong yakapin.
"Max.. sorry din.. di ko naintindihan ang nararamdaman mo..at alam ko di ko yun maiintindihan. pasensya na"
Ngumiti ako sa kanya at pinunasan ang luha nya.
"Wala yun.. ako ang dapat mag sorry.. di ko dapat pinilit sayo ang gusto ko" Sabi ko.
Ngumiti lang din sya sa akin.
Matapos ang madramang eksena ay tinungo namin ang University.
"Pero ano ba ang nakasulat sa 1st step?" tanong nya habang naglalakad kami.
"eto oh.. basahin mo" Pinakita ko naman sa kanya ang note.
"'Step #1: Know your purpose..its either to hurt him..or to have him back.." hmmm tingin ko kailangan pag isipan mo to Girl." Napatingin naman ako sa kanya.
"ano pa ang dapat pag isipan jan ? eh alam ko na ang gusto ko.. Ang maghiganti sa kanya.."
Sabi ko pa
"Pero sigurado ka na ba? kasi parang warning to eh.. kung babasahin mo sya between the lines. parang sabi dito..pag pinasok mo to wala ng bawian..wala ng atrasan"
Mahabang paliwanag ni Nicole.
Nagkibit balikat lang ako sa sinabi nya..pero deep inside napaisip din ako.
Ano nga ba ang gusto ko?.. masaktan sya...o Makuha ulit sya ?
Nalilito ako pero sa ngayon..Gusto kong maghiganti sa kanya.
Agad naman kaming pumasok sa room..At gaya ng inaasahan namin.Madami ang nagsilapitan para maki chismis.
"Maxine.. ok ka na ba ?"
"Max totoo bang nakunan ka ?"
"Naku edi buntis ka pala noh Maxine"
Ilan lang yan sa mga narinig ko pagkapasok namin sa room..
"Wag mo na silang intindihin" nadinig kong bulong ni Nicole.Nginitian ko naman sya.
Maya maya pa ay pumasok na ang prof namin.
"Oh.. Miss Perez. nandito ka na pala..how are you ?"
Tumayo naman ako tsaka nagsalita
"Im better Ma'am.. Thank you" Paupo na sana ako g magsalita uli ang prof namin.
"Next time kasi na magpapagamit ka..gumamit kayo ng proteksyon..you know"
Naka ngising sabi nya sakin..Nakaramdam naman ako ng hiya sa sarili ko.
"wag mo na lang pansini ha?" dinig ko pang sabi ni Nicole.
Nginitian ko naman sya..pero di ko maialis sa sarili ko ang mapahiya.
Tahimik lang ako buong klase.Di dahil nakikinig akong mabuti kundi dahil pinamumukha nila sa aking lahat na di na ko dapat nandito pa..
Maya maya ay natapos din ang klase namin..
Lunch break ngayon kaya palabas na kami.
Huminga muna ko ng malalim bago ko inaya si Nicole na kumain.
Ngunit di pa man namin nararating ang Cafeteria nakita na agad namin sina Kier at Mhyca.
Nakaramdam ako ng inis.
Pakiramdam ko biglang nabuhay ang galit na napalitan kanina ng pgakapahiya.
Kung titignan mo sila animo'y walang nangyari..Parang walang nasaktan..
At lalong parang walang namatay.
Tsk tsk tsk..
Ngayon binigyan nyo lalo ako ng dahilan para gantihan kayo.
Gantihan ka Kier.
BINABASA MO ANG
Revenge with Mr.Ex [ COMPLETED ]
Romance“Revenge is Always Sweet, it's the Aftertaste that's Bitter.” ― Joshua Caleb --- Copyright © 2014 by monektotx stories All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or b...