“When someone is mean to me, I just make them a victim in my next book.”
― Mary Higgins Clark
AUTHOR"S NOTE : Wala ng A/N sadulokaya wag tamad ! basahin to..
May B.S to.. actually frustrated BSahahhaahsanamagustuhankasi 1st time kogumawa >_< !!! yunlang ... Comment kayo mgaFre !!!
Nicole's POV
"Tama na yan, Jockas nakakailang bote ka na oh !"
"No.. Kaya k-ko pa.. di pa nga nawawala yung sakit eh.."
Napa buntong hininga na lang ako.
Nakita nya yung scene kanina nina Max..
Magkikiss yung dalawa kaya kesa makita nya yung masakit na part.. Tumakbo na lang sya.
Para kaming tanga kanina na sumusunod..
Para syang tanga na sinusundan si Maxine kahit kasama ito ni Kier..
Pero mas Tanga ako..
Alam ko na ngang tanga sya.. nagpapakatanga pa ko lalo..
"Bakit ganun, Nics ?" Napalingon ako sa kanya dahil sa biglaang pagsasalita nya.
"Bakit ang sakit sakit magmahal ? Bakit sobrang sakit ngayon ?"
"Shhh... tahan na" hinahagod ko ang likod nya dahil nagsisimula na naman syang umiyak..
"Bakit dati kaya ko naman na makita silang masaya ? bakit.. bakit ngayon ikamamatay ko na ?!"
Ako din.. ako din Jockas ikamamatay ko na makita kang nasa pain ngayon..
"Kasi pinaasa ka nya, Jockas. Kasi nagbigay sya ng motive.. kasi ginamit ka nya" sabi ko habang inaalo sya..
Ang sakit. Pero mas masakit yung akin kasi alam ko.. Kahit gaano ko gustong pawiin ang luha at sakit sa puso nya di ko magagawa.
Kasi di ako ang mahal nya.
Di ako ang dahilan ng pain nya.
Sana kasi ako na lang...
Pangako di kita sasaktan..
"No ! nabulag lang sya ! Nasaktan sya.. AISH ! naiinis ako ! kasi kahit baliktarin ko ang mundo .. wala eh.. wala akong pwedeng sisihin kundi ang sarili ko.. Kasi.. K-kasi hinayaan kong mahulog sa isang babaeng kelan man di magiging akin."
I smiles bitterly.
"Parehas lang pala tayo eh, Kasi ako mahal din kita kahit alam kong .. di ka magiging akin "
Napa angat ang tingin nya sakin pagkasabi ko nun.
Kung di lang ako naiiyak at nasasaktan sa sitwasyon namin ngayon, malamang natawa na ko sa itsura nya..
"A-anong sinabi mo, Nics?" Hinarap ko sya..
"Mahal kita, Jockas.. Noon pa.. Bago mo pa mahalin si Max.. mahal na kita"
BINABASA MO ANG
Revenge with Mr.Ex [ COMPLETED ]
Romance“Revenge is Always Sweet, it's the Aftertaste that's Bitter.” ― Joshua Caleb --- Copyright © 2014 by monektotx stories All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or b...