Dedicated to eunyoo Thanks sa Paglagay nito sa reading list mo ^___^ . Enjoy this upadte. Please vote and comment. Matatagalan ang next update. pero I will finish this. Promise.
Kier's POV
Ilang araw na ng magsimula ang klase, kahit na lumilipad kay Maxine ang isip ko, inaayos ko pa din ang pag-aaral ko. Dapat parehas na kaming junior. Pero mag bestfriend talaga 'yung dalawa, parehas nag stop eh.
"Kier, listen up naman oh. Mapapagalitan ka ng registrar n'yan eh," Kasama ko nga pala si Myca. Nag aayos kami ng papers ko kasi may ilang subject akong dinrop para mas madami kong oras para kay Maxine.
"Sorry, Mycs, Nag-aalala lang kasi ko, sumasakit daw 'yung ulo ni maxine eh. Uminom na naman s'ya ng gamot n'ya. Ano na kayang lagay n'ya?" Inirapan naman ako ni Myca kaya tumahimik na lang ako. panay pa din ang text ko kay papa para makibalita kay Maxine. Sinabi naman ni Nicole na tatawagan n'ya ko kng ano man ang mangyari.
"Next" Sumunod na ko sa agos ng pila. dalawang oras na yata kaming nakapila dio sa registrar kaya naman pangatlo na din ako. Na late kasi ko ng dating kasi sumaglit pa 'ko kina max kanina.
"Nga pala, ba't mah ddrop ka din,Mycs ?" Iniwas naman ni Myca ang tingin sa'kin sakto naman na s'ya na ang susunod kaya umunsad na kami. Nasa kalagitnaan na si Myca ng process ng biglang mag vibrate ang phone ko.
Si Nicole.
"Hello, Nicole ? ANong nangyari ? Ba't ka napatawag?"
[ K-Kier, Papunta kaming Wattpad General Hospital, inatake si Max ng Seizure n'ya. nauntog sa pader, ang daming dugo sa ulo ni Maxine,Kier. Pumunta ka na dito. please. ]
"O-Oo pupunta na k-ko." Agad kong ibinaba ang telepno.
"Oh, sa'n ka pupunta? Ikaw na next oh." oo nga ako na ang next kaso si Maxine, kailangan n'ya ko.
"Pipila na lang ako ulit. kailangan ako ni Maxi. Sige,bye" tapos kong sabihin 'yun, kumaripas na ko ng takbo. Dinig ko pa na isinisigaw ni Myca ang pangalan ko pero 'di na ko lumingon.
Paglabas ko ng school,pumara agad ako ng jeep. Nakakainis. Bakit kasi ang layo ng School sa ospital na 'yun. Kung 'di nga naman ako minamalas, traffic pa sa may bandang edsa. ala akong nagawa kundi takbuhin ang naittirang distansya ko sa ospital.
Habang tumatakbo ako, napupuno ako ng pag-aalala kay Max, Ano na kayang nangyari sa kanya ? Nagising na kaya s'ya ?Akala ko okay na s'ya ? ba't natake na naman s'ya ng seizure? Ilang sandali pa, nakarating na din ako sa WGH, pumasok agad ako sa loob,
"Kier! Dito!" Paglingon ko sa sumisigaw, si Nicole pala. Agad akong pumunta sa kanya.
"Nicoel, ano ng nangyari kay Maxi ? Kamusta na daw s'ya?"
BINABASA MO ANG
Revenge with Mr.Ex [ COMPLETED ]
Romance“Revenge is Always Sweet, it's the Aftertaste that's Bitter.” ― Joshua Caleb --- Copyright © 2014 by monektotx stories All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or b...