dedicated to
“But men often mistake killing and revenge for justice. They seldom have the stomach for justice.”
― Robert Jordan
Maxine's POV
"Isakay natin sya sa kotse ! dalian mo Max tulungan mo ko!" sigaw ni papa habang inaalalayan namin si Ms.Black o .. mas tamang Tita Elise.
Nang nasa daan na kami doon ko lang naalalang di pala namin kasama si Nicole kaya tinawagan ko sya at pinasunod na lang sa Wattpad general Hospital.
Pagdating namin agad kaming sinalubong ng mga nurse ar nilipat sya sa strechers.
"Check the vitals." sabi ng doctor tsaka lumapit samin.
"sino po ang pinakamalapit na kamag anak ng pasyente ?"
"Wala na po syang pamilya..ako po kaibigan nya ko." tapos nun may pina fill up-an lang sila kay papa dahil kailangan daw maoperahan agad ni Tital Elise.
"Bhes ! anong nangyari ? Nasan na si Ms. Black ?!" humahangos akong tinanong ni Nicole.
"Bhes... Sya si Tita Elise." tulalang sabi ko.
Di ko alam pero ngayon ko lang naramdaman yung kaba,.Pakiramdam ko nanlalambot ang bawat kalamnan ko..
Pakiramdam ko sobrang napagod ako.
"Sinong Elise ? I mean paanong.." di na nya tinuloy ang sasabihin nya at nag abang na lang ng sasabihin ko.
At yon nga ang ginawa ko.. sinabi ko sa kanya mula sa kentuhan namin ni Papa hanggang sa nangyari sakin ng wala sya.
"WOW ! yun lang ang masasabi ko. WOW !!!"
Tumingin lang ako sa kanya.
"Akalain mo.. grabeng coincidence noh ? imagine sa lahat ng tutulong sayo na mag revenge yung ex BFF pa ng Mama mo na may gusto sa Papa mo.."
"Yun eh kung... Coincidence nga ang lahat."
Napalingon naman sya sakin pero nananatili akong nakatingin sa kawalan..
"Dont tell me..." sabi nya.Liningon ko sya tsaka ako tumango.
Napatakip sya ng bibig.
"Tingin ko.. may hidden agenda sya. Di ko alam kung ano pero .. pakiramdam ko hindi coincidence ang lahat."
Sandaling katahimikan pa.
"Tingin mo .. may kinalaman si Kier dito ? " pambabasag nya sa katahimikan.
"Hindi ko alam..pero naniniwala ako malalaman din natin"
Maya maya lumapit samin si Papa. At kailangan daw operahan si Ms. Bl--- I mean si Tita Elise.
Kailangan daw nyang operahan dahil sa namuong dugo sa ulo nya
***********************************************
"Sino ka ba talaga ?" Naiusal ko habang nakatingin sa kanya.
Tatlong araw na mula ng mangyari yun. wala na ding pasok kaya nandito ako lagi at nagbbantay.
Si Papa ? kakauwi lang. Palitan kasi kami sa pagbabantay dahil tatlong araw ng comatose si Tita Elise.
"bakit.. bigla kang sumulpot sa buhay ko para tulungan ako.?"
"Max.. yan ka na naman.. " baling sakin ni Nicole.
"Kumain ka muna.. eto" sabay abot nya sakin ng cup noodles.
BINABASA MO ANG
Revenge with Mr.Ex [ COMPLETED ]
Romans“Revenge is Always Sweet, it's the Aftertaste that's Bitter.” ― Joshua Caleb --- Copyright © 2014 by monektotx stories All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or b...