Chapter 14

29 2 0
                                    


CELINE*

"Celine."

Napalingon ako sa batang tumawag sakin, familiar sya pero hindi ko maalala kung san ko sya nakita. Humarap ako sa kanya ng nakalapit na sya sakin.

"Celine, bumalik ka." Tuwang tuwa sabi nya. "Akala ko hindi ka na babalik eh." Dagdag nya.

"Kilala mo ako?" Takang tanong ko.

"Oo naman, wag mong sabihing hindi mo ako kilala?" Malungkot nyang sagot.

"Hindi eh, sorry ha."

Pinahid nya naman ang kanang kamay nya saka inilahad sakin. "Elison Medina nga pala." Pagpapakilala nya.

Hindi naman siguro masama kung ttanggapin ko ang pakikipagkilala nya. Sabi kasi si Mom wag ako makipagusap sa hindi ko kilala. Pero sa tingin ko naman mabait sya kaya tinanggap ko ang kamay nya.

"Celine Martinez." Ngumiti sya saka ko naman binawi ang kamay ko.

Ngayon lang ako sinama nila Mom dito sa Baguio, at hindi ko akala na meron palang ganitong kagandang lugar dito. Ang Lake House.

"Dyan ako nakatira sa House na yan." Sabi pa nya ng makita nya akong nakatingin doon.

"Talaga? Ang yaman mo pala."

"Hindi ako, kundi ang parents ko. Gusto mo mamasyal dito?" Nakangiti nyang anyaya sakin.

"Sige."

Hindi ko alam kung bakit nya ako napapayag, pero kasi magaan ang loob ko sa kanya. At isa pa gusto ko makita ng magandang lugar nato, kaya hindi naman masama kung makikipagkaibigan ako sa kanya.

 The Lake HOUSE(KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon