5

4 0 0
                                    


Wala na siguro talaga?
Sabagay sa una pa lang wala naman talaga diba?
Ako lang 'tong si tanga na umasa
Pinipilit ko namang mawala na talaga, pero di ganun kadaling kalimutan ka
Sinanay mo kasi ako na nandyan ka lang sa tabi ko
Sinanay mo kasi ako sa mga bagay na wala palang kahulugan mula umpisa
Bakit nga ba? May mali ba?
Aaminin ko, hindi ako nagsasabi sayo ng nararamdaman ko pero lahat naman ginagawa ko para maiparamdam ko sayo
Maaaring kinapos ako sa salita, ngunit hindi sa gawa
Sa ngayon mahal masakit pa. Alam ko namang makakaya ko ito pero nasasaktan pa rin ako sa katotohanang wala na
Wala na ba talaga? Wala na ba talagang pag-asa? Kahit konti wala?
Hanggang dito na lang ba talaga? Kahit kaibigan lang , hindi na ba pwede?
Ang sakit naman po pala
Salamat na lang sa saglit na panahon na tayo'y nagkasama
Salamat na lang sa magagandang ala-ala
Sa mga panahong napapasaya pa natin ang isa't isa
Sa mga tawa at iyak na nasaksihan nating dalawa
Sa boses mo na mamimiss ko ng sobra
Mula ngayon, hindi ko na papakinggan pa ang boses mo habang kumakanta
Hindi ko na rin papanuorin ang sinayaw mo
Hindi na ako mag-iisip na may posibilidad na baka maging tayo pa
Hindi na din ako aasa na baka magtext, magchat o tatawag ka pa
Hindi na talaga.
Ngunit mahal, titigil lang ako ipakita pero hindi ibig sabihin na titigil na akong mahalin ka
Alam ko naman na masaya ka na sa iba
Na napapasaya ka niya higit pa sa napapangiti kita
Sana malaman mo na kahit ang sakit-sakit na, kahit papaano masaya na rin ako para sa inyong dalawa.
Dahil yun naman talaga diba? Para saan pa't nasasaktan ako kung hindi ka naman magiging masaya sa ibang tao
Maaaring mas pinili kong lumayo, pero alam ko, alam kong isang tawag mo lang andito na agad ako. Magiging tanga nanaman sayo.
Hinihintay ang pagbabalik mo, baka kasi saktan ka ng taong napili mo.
At kung sakali man na bumalik ka nga, handa akong kalimutan lahat ng sakit na nadama
Babalik muli ako sa umpisa, kung paano tayo nagkakilala, gagamutin at aalagaan ulit kita gaya ng ipinaramdam ko sayo noong una pa.

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon