13

1 0 0
                                    


"Aking Ina"

Naka-alalay ka sa bawat hakbang Na aking tatahakin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naka-alalay ka sa bawat hakbang
Na aking tatahakin .....
Sa bawat oras ng aking pagkakadapa
Sa bawat maling aking nalilikha
Ay siya namang iyong pag-alalay at
Pagtama sa aking mga pagkakamali.

Sa mga oras na yaong ako'y nalulumbay
Sa bawat pahid ng iyong malalambot na kamay
Sa mga luhang lumalandas sa aking pisngi
Sa iyong mga higpit na iyong yakap
Sa bawat dampi ng halik sa mapupulang labi
Ramdam ko, Ramdam ko ang iyong pagmamahal...

Tuwing nariyan ka sa aking tabi
Ramdam kong protektado ako lagi
Sa mga asal kong pangbata
At sa mga oras na ika'y aking nakakalimutan
Dulot ng mga ala-alang ayaw ng balikan pa
Ngunit ikaw pilit mo lang itong iniintindi
Na para bang walang nangyari...

Pasensya na..
Pasensya na kong pilit kitang binabalewala
Na para bang bula.
Pasensya na sa mga hindi pagsagot sa mga
Tawag mo sa akin..
Pasensya na kong nagiging sutil akong anak
Pasensya na sa mga nagawa kong mali
Pasensya na sa lahat aking ina.

Salamat aking ina sa walang sawa mong
Pagmamahal sa amin
Salamat sa mga panahong
ako'y iyong inaruga
Salamat sa mga salita mong
siyang nagpatibay sa akin
Salamat sa mga kwento mong
walang sawa mong inilalathala
Salamat sa walang sawa mong
Suporta sa akin
Salamat at ika'y naging aking ina...

Mahal kita ina..
Hindi ko man araw araw sinasabi
Ngunit aalahanin mo sanang
Lagi kang nasa puso at isip ko
Napakaswerte ko at ikaw ang aking naging ina
Letrang aking nilikha nawa'y iyong mabasa
Nagungulila sa iyong piling ina
Darating ang araw na ikaw ay aking paglilingkuran
Muli salamat sa lahat aking ina..

At sa pagtatapos ng aking tula
Binabati ko ang mga inang naging tulay
Upang kami'y mabuhay
Salamat sa mga nanay na nagsakripisyo
Hayaan niyong batiin ko kayo ng
"HAPPY MOTHER'S DAY "
Kayo ang unang nakilala naming babae sa mundo
At naging unang naging kaibigan..
Salamat sa lahat lahat mga mahal naming ina..

Words and Photo by: Amy Apilado

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon