37

1 0 0
                                    


Mahal kita, mga katagang sinabi mo sa akin nung unang beses tayong nagkatagpo.
Naalala ko pa noon alas-siyete ng gabi sa lugar kung saan mo ako niyayang maglakad-lakad na may katumbas na mga kwentong madaling paniwalaan

Mahal kita, mga katagang sinabi mo noong mga panahon at oras na kailangan ko ng isang ikaw, at doon ko rin narinig mula sayo ang mga salitang "nandito lang ako"

Mahal kita, mga katagang paulit-ulit mong binibigkas mula sa iyong mga bibig na may kasama pang mga ngiting katumbas ang kislap ng mga bituin

Mahal kita, mga salitang nagpabago sa isang tulad ko, isang tulad kong walang kakayahang ipagmalaki ang sarili niya

Mahal kita, mga salitang nagpaniwala sa making napakaganda ko, na tila bang isang dyosa sa mga mata mo

Mahal kita, mga salitang pinanghawakan ko nung mga panahon at oras na wala ka sa tabi ko, na tanging paalam mo lang sa akin noon "sandali lng mahal,may pupuntahan lng ako,babalik din ako"

Ngunit dumaan ang maraming taon, salitang binigkas mo noon na "babalik din ako" na kahit minsan ay hindi natupad.
Alam mo ba nadagdagan ang mga salitang pinanghahawakan ko ngayon, "mahal kita" at "babalik din ako"

Mahal kita, mga salitang sumira sa pundasyon ng pagkatao ko na siyang naging makulay nang dahil sayo.

Mahal kita, mga salitang na ayaw ko na marinig muli dahil ikaw ang dahilan nito

Mahal kita, mga salitang nanaisin Kong ibalik ang dating tayo, sabi nga nila "manong, magkano ba ang pabalik sa dating kami?", magkano ba?kasi kung may katumbas man itong halaga handa akong bayaran ito kahit magkano pa

At higit sa lahat,mahal kita, mga kataga at salitang nagpaniwala sa akin na merong "ikaw at ako", na merong "tayo" sabi nga nila minsan tayong pinagtagpo ngunit hindi pwedeng itakda.

"Mahal kita" at " babalik din ako"

Mga salitang pinanghawakan kong muli upang mahanap ang bagong "ako"

—angelica clarisse fernandez

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon