36

1 0 0
                                    


Normal bang mawala ang spark?

First of all i-define muna natin ang "spark". Spark yan yung kilig factor sa relationship, sweetness, strength ng love, intimacy mga ganun. Yan yung nag su-superbass yung heartbeat mo. Pinagpapawisan ka ng malamig. Di maalis ngiti sa labi mo. In short yung excitement.

Sagot sa question,

Oo lalo na kung sobrang tagal niyo na. Di na kagaya ng dati na madalas kang kiligin. Di na kagaya noon na pumasok lang siya bigla sa isip mo, kinikilig kana. Kapag matagal na kasi kayo masasanay kana sa lahat. Yung mga pa-sweet na ginagawa niya ilang beses mo ng narinig at nakita. Di kagaya nung bago palang kayo. Kapag matagal na kasi kayo diyan dumadating yung time na yung I love you-han niyo parang nakasanayan nalang sabihin. Di kagaya noon na galing sa puso at may kasamang kilig. Sanay kanang nandyan siya. Sanay kanang makita ang mukha niya. Idagdag pa yung mga napapadalas na away.

Saka papasok yung salitang "sawa." Kumbaga sa pagkain, nakaka umay na. Normal naman yun. Lahat naman ng matatagal na relasyon dumarating sa point na yun. Para kalang kumakain. Sa simula sobrang ganado mo. Sarap na sarap ka sa food. Pero habang tumatagal at marami kanang nakain, nakakaumay din diba? Tendency, titigilan mo na ang pagkain ng particular food na yun kasi sawa ka na. Pero sa relationship hindi dapat.

Kailangan mong maglagay ng bagong spice sa food. Ibahin mo ng luto. Samahan mo ng side dish. Desserts. Bagong combination na beverage. Gawin mo lahat. Kasi sa relasyon para imaintain ang healthiness kailangan niyong mag effort na dalawa. Kapag na-realize niyong nagsasawa na kayo at gusto niyo ng mag iwanan, alalahanin niyo lahat kung saan kayo nag simula. Lahat ng happy and sweet moments niyo together. Photos niyo, loveletters, gifts etc. Lahat ng obstacles na nalagpasan niyo ng magkasama. Lahat ng promises niyo sa isa't isa. Saka kayo bumalik sa iniisip niyo ngayon.

"Worth it bang mag hiwalay at sayangin lang lahat yun?" "Sasaya ba ako kapag nawala siya?" "Kaya ko nabang makitang meron na siyang iba? Ibang nag mamahal at nag aalaga sa kanya?" "Pano ako sa mga araw na wala na siya? Pano na ako bukas?"

Saka ka mag decide kung bibitiw ka ba o hindi.

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon