Magpapanggap na lamang ako.
Magpapanggap na lamang akong hindi kita kilala.
Magpapanggap na lamang akong hindi kita nakita.
Magpapanggap na lamang akong walang pakialam.
Magpapanggap na lamang akong hindi nasasaktan.
Magpapanggap na lamang akong hindi na kita mahal.
Doon naman ako magaling diba?
Ang magpanggap.
Ang magpanggap na masaya kahit gusto nang umiyak ng aking mga mata.
Ang magpanggap na okay lang ang lahat kahit ang totoo gusto ng sumuko ng aking buong sistema.
Ang magpanggap na hindi na kita mahal kahit na ikaw pa rin ang hinahanap ng puso kong naghihingalo na sa sakit na nadarama