21

3 0 0
                                    


Pwede bang ako naman?

Pwede kayang sa pagkakataon na ito ako naman?
Ako naman ang iyong iintindihin?
Ako naman ang yong lalambingin
Nasa bawat paglipas ng oras ay ako naman?

Pwede bang ako naman?
Ako naman ang iyong pahahalagahan
Ako naman ang iyong iingatan
Ako naman ang sasabihan ng mahal kita
Habang nakatitig sa aking mga mata

Kailan ko kaya mararanasan
Kung paano ang mahalin ng lubusan
Kung paano o ano ang pinapakita ko sayo
Ganoon din ang magiging sukli mo

Kailan kaya mangyayari na may ako
Ang ako, ang ikaw, ang tayo
Tayo naman ang masaya
Tayo naman ang malaya

Pwede kayang ako naman
Ang nilalaman nang iyong puso at isipan
Ako naman ang iyong uunahin higit sa lahat
Yung pakiramdam na, ang ako ay sapat

Mahal, kailan kaya darating na ako naman?
Na sana kahit minsan ako ang iyong pahalagahan
Na sana kahit minsan pumasok ako sa iyong isipan
Na sana, sana tayo, ikaw at ako ang magkatuluyan

Pero hindi, kahit anong sana wala pa rin
Dahil kahit kailan hindi mo ako napansin
Sino nga ba ako?
Isang babaeng minamahal ka sa malayo

Isang babaeng pinagmamasdan ka
Habang tahimik na nasasaktan dahil sa kanya
Isang babaeng hiniling na ako na lang sya
Umaasang kung ako sana hindi ka kahit kailan luluha

Sana ako na lang
Kung pwede ako na lang
Dahil di ko na kayang makita kang luhaan
Yung lalaking hinihiling ko ay sa iba nasasaktan

Sana ako, sana tayo
Sana pwedeng ako naman
Sana may ako, sana may tayo
Pwede bang ako naman

Pero kahit anong sana ko walang mangyari
Dahil ang puso mo ay may iba nang nagmamay-ari
Kahit ano ang hiling ko na ako naman
Wala ka rin namang pakialam

Kaya kung pwede ba na ako naman
Ang magpaparamdam sayo kahit di mo alam
Ako ang magmamahal sayo kahit di mo kailangan
Dahil mahal na mahal kita aking kaibigan.

By: Ronelyn Tubania Dela Cruz

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon