Hindi inakala magiging ganito
Ang pagtibok ng puso para sayo ay buong buo
Sa umaga sa hapon at sa gabi
Ikaw ang laman nitong pusong naging sawiIniisip ka sa lahat ng sitwasyon
Kung paano bakit ganoon
Na sana ako'y sayo at ika'y akin
Pero hindi pala ang mga salitang yan ay tila parang hangin
Hangin na totoong wala kang nararamdaman para saakin
Hangin na totoong walang tayo o saatin
Hangin na pawang mga hangin lamangMasakit sobrang masakit itong damdamin at isip na puro ikaw lamang
Na iniisip palagi na puro siya lang sa puso mo ang nakakalamang
Na sana naging ako siya
Na sana maging ako siya
Puro tanong na dapat alam ko naman ang sagot
Mga sagot na makakapaggising saakin sa takot
Sa takot na malaman ang totoo na hindi mo ako minahal
Hindi mo ako mahal
Hindi mo ako mamahalin.Patawad dahil sobra kitang minahal higit pa sa iyong inaakala
Patawad dahil hindi ko kayang maging siya na magpapasaya sa iyong alaala
Patawad sapagkat ikaw naging dahilan nitong lungkot at saya
Patawad dahil umasa ako na mapapasaakin ka
Patawad dahil nasasaktan ako pero hindi dapat
Patawad dahil nagagalit itong puso na ako dapat
At pang huli
Patawad dahil minahal kita sa mga beses na litong lito na ako kung tama ba
Mahal kita dahil Mahal talaga kita
At Mamahalin kita sa pagkakataong maisip mo mahalin mo ako na parang sinta.
Pero sa ngayon handa akong maging masaya kahit masakit dahil alam ko masaya ka sa piling ng iba.