35

2 0 0
                                    


"Nagmahal, Nasaktan, Bumangon"

Kanina, may nakausap ako. Yung tipong sa sobrang lalim ng usapan namin, dumating hanggang sa usapan na tungkol sayo.

Oo, tama ang nababasa mo. Tungkol nga sayo.

Ikaw. Ikaw nanaman irog ko.

Alam mo ba ang sabi nya? Sinabi niya lang namang "Mahal mo pa ba sya?" Hahaha. Sobra akong natawa sa tanong nya.

Pero alam mo ba? Unti unting tumigil ang tawa ko hanggang napunta sa mga ngiti.
Umikot sa isip ng ilang ulit ang tanong nya. "Mahal mo pa ba sya?".
Oo nga no? Ilang buwan ko na ring kinalimutan na itanong sa sarili kung mahal pa ba kita.

Nag isip ako ng nag isip hanggang sa matagpuan ko ang sagot sa tanong nya.

Naalala ko nanaman tuloy lahat ng alaala nating dalawa.

Naalala ko nanaman yung araw na kung saan ako'y iyong pinasaya. Sa pamamagitan lamang ng simpleng salita. Napasaya mo ako sa iyong katagang "Gustong gusto kita."

Naalala ko nanaman yung araw na niyaya mo ako sa isang lugar kung saan tayo lang dalawa at tinanong kung pwede bang ligawan ako.

Naalala ko nanaman kung paanong hinawakan mo ang kamay ko nung sinabi kong oo pwede mo akong ligawan.

Naalala ko nanaman kung paano tayo naglalakad tuwing gabi para maihatid mo lang ako sa sakayan.

Naalala ko nanaman kung paano tayo naging masaya sa mga araw na magkasama tayong dalawa.

Pero totoo nga. Lahat ng bagay ay natatapos. Naalala kong muli ang bawat detalye.

Naalala ko kung paano mo sinabing tapos na ang lahat at hindi mo na ako mahal.

Naalala ko kung paano mo sinabing biro na lang lahat ng ginawa mo para sakin para lang matakpan ang katotohanang hindi mo kayang isugal ang lahat para sa akin.

Naalala ko kung paano ako lumuha sa sobrang sakit nung pinili mong bitawan ako kesa ipaglaban.

Naalala ko. Oo naalala ko.

Lumuluha ako habang nagtatype ng sagot ko sa tanong nya.
Sa tanong nyang nakapag balik ng lahat ng alaala nating dalawa.
Sa tanong nyang nagparamdam muli ng sakit na iniwan ng storya nating pinaglaruan ng tadhana.

Lumuluha pero buo ang isipan sa sagot na sasabihin. Hindi naglaon at naisend ko rin. "Oo, mahal ko pa sya."

Akala ko tapos na. Akala ko luluha na lang ako. Pero bumulong ang puso ko. Sinabi nitong..

Oo, mahal ko pa sya
Sobra pa sa sobra.
Pero hindi na sapat
para bumalik pa ako ng paulit ulit
sa storya naming tapos na.

Oo, mahal ko pa sya
pero hindi na sapat
para ako'y manatili pa
at umasa pang babalik pa sya.

Oo, mahal ko pa sya
pero hindi na sapat
para muli ko pang saktan
ang pusong durog na durog na.

Kaya mahal, pakiusap.
Wag ka nang babalik.
Alam kong mahirap ito sa umpisa,
Pero mas alam kong kaya kong limutin ka."

—Jaycelyn Bisain

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon