"Sinabi ko bang umiyak ka?"Yan yung tanong mo nung sinabi kong nasasaktan ako. Yan yung tanong mo nung sinabi kong laging maga yung mata ko.
Natatawa ako sa katangahan ko. Na bakit hindi ko kaagad napansin yung pinaparating mo.
Na sa bawat mensaheng pinaparating ko wala ang atensyon mo.Gusto ko bang umiyak ka?
Natuwa ako. Ibig sabihin hindi mo gusto ang saktan ako.Sinabi ko bang umiyak ka?
Dito nadurog ako.
Sa pangalawang tanong na binitawan mo.
Luha ko'y pumatak.
Tila ba sumasabay sa buhos ng ulan. Maga yung mata ko. 'Haha' Tawa kong magisa.Sinagot ko yung tanong mo.
'Ginusto ko ba? Ginusto ko rin bang masaktan dahil sayo? Mali bang kumapit ako sa pangako mo. Kasalanan ko bang napako ito? Mali bang masaktan ako?'Hindi ka sumagot. Nagpatuloy ako.
'Paano kung kusang tumulo? Paano kung tumulo para sayo? Tumulo kase nasaktan ako? Tumulo kase sinaktan mo ko'Muli. Walang lumabas sa bibig mo.
Nadurog ako. Lalo.
Tumalikod na ko. Tumalikod ako at naglakad palayo. Umasang hahabulin mo ko at sasabihing hindi mo sinasadya. Pero mali ako, mali ako kase umasa ako.Tumulo syang muli. Napangiti ako.
'Tumulo sya kase Mahal kita'
Bulong ko sa sarili bago tumakbo at iniwan ka.
Hindi mo nga sinabing umiyak ako. Pasensya na.Words by: Shattered
