34

1 0 0
                                    


An open letter to my ex...
by Anonymous

Paano nga ba magsimula?
Magsimula ng bagong daan palayo sa iyo...
Palayo kung saan kaya ko nang kalimutan lahat ng sakit at alaala mula sa iyo...
Simplehan natin...
I do not have regret na nakilala kita.
In fact, sa lahat ng dumaan sa buhay ko, ikaw lang ang nag iisang tao na nagturo sa akin ng tunay na ibig sabihin ng pagmamahal..
Yung magmahal ng walang hinihintay na kapalit at magmahal na hahamakin ang lahat...kahit masaktan, makasama ka lang sapat na upang maging masaya.
Pero lahat may hangganan...na sa bawat daan na binabagtas natin ay may dulo pala...dulo na magbibigay sa atin ng dahilan para magdesisyon kung saan tayo tutungo...dahil may mga daan din naman na nakakapagod..nakakapagod na halos hindi mo na kayang bagtasin..na kung ipagpapatuloy pa ay parehas lamang tayong mahihirapan...
Masakit lang din talagang isipin na sa kabila ng lahat ng pinagdaanan natin, hndi pa rin ako sumapat para iyong piliin..marahil minahal mo ko pero hindi ito sumapat para ipaglaban ako..hindi ko alam ang tunay na dahilan pero sana ay mabigat talaga ang dahilan na iyon dahil umasa ako ng sobra..sa mga pangako mo at mga salitang, mahal na mahal mo din ako...ngayon, heto tayo...magkahiwalay ng daan na binabagtas, ikaw, andun ka sa kanya at masaya na, habang ako ay mag isang binabagtas ang daan patungo sa lugar kung saan mahahanap ko ang dating ako na nawala nung minahal kita..pero ganun pa man, gusto kong malaman mo na hindi ako sumuko, hindi kita sinukuan kasi sa kabila ng lahat, andito ka pa din sa puso ko..andito ka pa din at umaasa ako na isang araw, makakasama ulit kitang bagtasin ang daan na una nating nilakaran..umaasa pa din ako na kahit nakalayo na ako ay tatakbo ka papunta sa akin at sasabihing handa ka ng sumama sa akin..upang ako na ang piliin mo at mahalin at mangako na kahit magkaroon ng putik at lubak sa daanan ay kakapit ka sa kamay ko at hinding hindi bibitaw...
Pero kung sakaling hindi yun dumating, heto ako patuloy pa rin na maglalakad palayo sa iyo..ng mag isa..hanggang sa tuluyan na kong hindi maabot nang iyong tanaw..sasanayin ko ang sarili ko ng wala ka..at tatanggapin na ang daan na lalakaran nating magkasama ay umabot na sa dulo...
Maraming salamat dahil sayo nagkaroon ako ng lakas ng loob..natuto akong magmahal ng totoo..na sa kabila ng lahat ng sakit ay kailangan kong bumangon at ipagpatuloy ang lakad..mahirap mag isa..pero mas mahirap ang ipagpilitan ko pa ang bagay na hindi naman pala talaga dapat..hangad ko pa din ang maging maligaya ka...kaya binibitawan na kita..kahit masakit..kakayanin ko ang mag isa dahil sa kabila ng lahat alam ko na may maganda pa ding dahilan ang lahat...kung tayo pa din naman talaga ang nakatadhana, kahit nagkahiwalay man tayo ng daan, pagtatagpuin at pagtatagpuin pa din tayo ng tadhana..pero kung hindi naman, nais kong malaman mo na hinding hindi kita makakalimutan..baon ko ang alaala nating dalawa hanggang sa dulo ng aking daan...hangad ko na maging maligaya ka sa buhay mo..maraming salamat sa lahat...

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon