Naniniwala ka bang ang taong pinakamalakas tumawa ang may pinakamabigat na problema?
Naniniwala ka bang ang taong maloko ang madalas naloloko?
Naniniwala ka rin bang ang mga taong mabiro ay ang tunay na seryoso?
Naniniwala ka bang ang tigreng matapang ay may angking takot?
Ni ang hari ng kagubatan ang leon ay may angking kahinaan?Ang hirap sa mga taong akala nila laging okay ka ay hindi na nila naiisip na tao ka pa rin.
Hindi napapansing nasasaktan ka rin.
Hindi iniisip na nalulungkot ka rin.
Kung minsan gusto mo na ring umiyak pero nakatawa ka pa rin.
Kahit gusto mo ng sumuko, pero laban pa rin.
Kahit gusto mong isigaw ang lahat, pinili mong ibulong.
Nakakatakot. .
Nakakatakot na baka walang makaintindi and worst baka wala talagang umintindi.I'm okay! Sigaw ng isip mo at pahayag ng labi mo.
Yan ang pangarap ko na maging ayos lang ako na parang walang nangyari na kayang dalhin lahat.Pero ang sabi ng puso ko, tao ako, napapagod na ako. I really want to be okay.
Kahit hindi na ako maging masaya, kahit maging okay na lang.
Words by: Maureen Mae Ajunan
