Alam kong may mga gabing hindi ka makatulog dahil sa pag iisip kung saan ka nagkulang at alin ang maling nagawa mo.Nung nahuli kitang nakatitig sa aking ngiti, doon ko na nalaman na nahuhulog ka na.
Di mo lang alam na nahuhulog ka na pala sa taong hindi ka kayang saluhin.Tinapos ko na agad ang pagkakaibigan natin bago ka pa umamin, hindi ko kayang makita kang mabigo, mabigo ulit.
Dahil ako yung tinakbuhan mo, ako yung inaya mong magpakalasing noong hiniwalayan ka ng ex mo, ako ang nakakita kung gaano ka nasaktan, gaano ka nagalit na halos ayaw mo na makita ang magmumukha niya.Siguro nga mali ang naging desisyon ko pero alam kong mas lalo kang masasaktan kapag makikita mong may kasama na akong iba.
Noong sinusubukan ko palang umiwas sa'yo, sinigurado kong magagalit ka sakin para magkaroon ka ng rason na hindi ako gustuhin.
Natamaan at tinanggap ko ang mga salitang "paasa't" "mang-iiwan" na nanggaling saiyong bibig.
Hindi ko parin alam kung kailan ko mapapatawad ang sarili ko kase hindi naman ako yung nasaktan, hindi ako yung naiwan sa ere. Ako yung nanakit at nang iwan.
Pasenysa, dahil hindi ako yung taong makakapagbigay ng pagmamahal na nararapat sa'yo.
Pasensya, dahil umalis ako ng walang sinabing rason, walang paalam nung naglakad ako palayo.Hindi mo lang alam pero ipinagdarasal kita bago matulog, na kapag dumating na siya ay tatanggapin at mamahalin ka niya ng buong buo.
Words by: LB
