TALON
ni Carl BOREDjaAng hirap tumalon kung walang sasalo
Ang harapin ang bawat hinagpis ng galit na mga alon
Ang malamlam na kulay ng dagat na nilamon na rin ng samut saring emosyon
Tulad ng puso na noo'y masigla tuluyang nalunod at nabahiran ng alat sa pag aakalang "baka sakaling may tsansa"Ang tanga lang kung bat pa umasa
Kung bakit pa hinayaan kung sa simula pwede naman sanang talikuran
"TALIKURAN" ang bagay na nakalimutan kong magawa
Nakalimutang magawa... sa kadahilanang, "ewan?", "siguro?", "paano kung?", "baka?", "pwede pa?", "bahala na?"
Katanungan... walang kasiguraduhan ngunit sinubukanPaano nga ba ang mataohan?
Nilangoy pabalik ang simula
Tinikmang muli ang bawat alat ng alon na nilikha
Ang sakit palang kumapit sa mga bagay na ikaw lamang ang tanging pumipilit
Sa tuwing humihigpit ang kapit, pinupuga ang pag asang nais na makamitTama nga sila MU tayo!
Malabong usapan?
Hindi laos na yun,
Eto yung bago...
"M"ahal kita
Ikaw? ayon...
"U"miibig sa kanya
KANYA na malabong maging AKO
KANYA na malayo sa salitang AKO
KANYA na minsan hiniling ko sanay naging AKOIsang bagay na dapat mong iwasan sa kasagsagan ng iyon "Katangahan"
Wag mong pilitin ang urong sulong na nararamdaman
Bakit nga ba masakit tumalon?
Lahat ay nagsisimula sa umpisa.
Balikan ang unang linya.