38

0 0 0
                                    


MAHAL, PATAWAD
by Kaye Montoya

Mahal, patawad sa aking paglayo
Gusto ko lang masanay
Masanay na malayo sa piling mo
Mamahalin pa rin naman kita
Sa malayo na nga lang
Nang di na ulit masaktan pa

Mahal malayo man ako sa piling mo
Dala ko naman lahat ng ala-ala
Masasayang tagpo at mga pangako
Na balang araw dadating din tayo
Sa panahon na pwede na ang salitang "TAYO"

Mahal ginawa ko naman ang lahat
Pero bakit para kang isang bulag
Na wala ng ibang nakikita kung hindi siya
Siya na walang ibang ginawa kung hindi ang saktan ka
At ako na walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ka

Mahal una pa lang talo na ko
Pero sumugal pa rin ako
Nang dahil sa pag-ibig na ito
Wala man ako sayong maipagmamalaki
Kaya ko naman ibigay buong pagmamahal at katapatan na inaasam ng sinuman

Mahal ko naway pakaingatan mo
Ang iyong sarili sa aking paglayo
Wala ng mag-aalaga at magpapa alala
Pero tandaan mo sana ang isang pangako
Na mamahalin kita hanggang sa aking makakaya

Mahal salamat sa lahat
Sa oras, atensyon at pagmamahal na inilaan
Sa masasayang ala-ala
Kwentuhan na para bang wala ng bukas pa
Kung pwede lang humiling sa mga oras na ito
Hihilingin ko na sana ikaw na
Ikaw ang makasama sa aking pagtanda
At sa huling pagtibok ng puso kong ito.

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon